11 [Gemma]

375K 13.5K 2.3K
                                    

/GEMMA/

***

"Natawagan mo na? Natawagan mo na?" atat na tanong sa akin nung babae.

"Yeah."

"Yes! Hmm, magkano kaya makukuha ko sa mga 'to?" sabay tingin niya sa dalawang leaders na nawalan na ng malay.

Napangiti naman agad ako. Mautak rin ang isang 'to. Mas mahal kasi ang bayad kapag buhay pa ang wanted na binigay mo sa officers. Mababawasan kasi ng 20% yung bayad kapag patay na. Hindi niya tinarget yung critical areas para di sila mamatay but enough to make them faint. O baka naman di niya sinasadya yun?

"You're a bounty hunter, right?" tanong ni Krystal sa kanya. Bigla namang napaatras yung babae at tinitigang mabuti si Krystal. Buti napigilan ko yung sarili ko sa pagtawa dahil mukhang natatakot siya. Lumapit naman agad ako kay Krystal at inakbayan ko siya.

"Oi, oi. She's scared. Ayusin mo kasi yang expression mo," tsaka ko siya nginitian pero pati ako tinitigan niya nang masama. Napabitaw tuloy agad ako. Katakot!

"Leader, nakuha ko na yung insignias," sabi naman ni Kelsey habang tinitiklop niya ang mga yun at sinusukbit sa may bewang niya. Bigla namang napatingin sa kanya yung babae.

"Wait. Kung nangongolekta kayo ng insignia, then that means..."

"Yes. We're a gang,"sagot agad ni Kelsey sabay taas niya ng kilay. Akala niya naman nakakaintimidate siya.

"But we have no bounties. Bago pa lang kami," dagdag ko. "Pero baka kung anong gawin ng officer na dadating kaya mauuna na kami."

Hinatak ko kaagad si Krystal at Kelsey dahil feeling ko ay darating na anytime yung officer.

"Bye," saka ako ngumiti sa kanya.

Naglakad kami pabalik doon sa daan na pinanggalingan namin at agad kaming nagtago ulit sa mga puno.

"Tsk. I want her to be a member," agad na sabi ni Krystal nung makapagtago kami sa likod ng puno.

"Eeehh? Bakit, Leader?!"

"I think kapareho natin siya," sagot naman agad niya.

"Huh?"

Tinutok ko naman kay Kelsey yung bokken ko kaya napatingin siya sa akin.

"H-hoy! A-anong balak mo sa akin, Tanda?!" Pfft. She's scared.

"Nakita mo ba kanina nung hinawakan niya 'to? Walang nangyaring kahit ano sa kanya. Like your whip, sa tingin ko may effect rin sa ordinaryong tao ang bokken ko. Though hindi ko sure dahil si Dad at ako pa lang ang nakakahawak nito. At kapag ginagamit ko naman 'to na pang-atake, yung sharp edge ang tumatama sa kanila. Hindi ko pa talaga alam ang effect kapag sila mismo ang gumamit."

"Then try it. Ilagay mo sa kamay ng isa sa kanila," biglang sabi ni Krystal tsaka niya tinuro yung mga napatumba naming gang members.

Halos parehas kami ng naging reaksyon ni Kelsey nung narinig namin yun.

Confirmed. She's a sadist! And heartless!

"Anyway, ibig sabihin, posibleng may Ice Attribute rin yung batang yun?!" Wow. Makatawag ng bata 'to, eh tingin ko nga magkasing-edad lang sila. Sabagay, ako ngang mas matanda sa kanya hindi niya nirerespeto, yun pa kayang kaedad niya. Pero bakit si Krystal, may respeto siya?!

"Yeah. That's why I want her."

"Hmm, pero paano natin siya mapapasali? She's a bounty hunter. Nabubuhay siya sa paghuhunt ng gangs katulad natin." Maski ako gusto ko rin siyang maging member. Pero paano? Tatanungin lang namin siya? Pipilitin?

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon