26 [Gemma]

344K 11.9K 1.6K
                                    

/GEMMA/

***

"Ano bang nangyari sa inyo?"

Umupo kami sa may sala at inexplain sa akin nung tatlo 'yung nangyari sa North. Nagulat ako nung sinabi ni Ash na may naencounter daw silang may Fire attribute at sinugod sila.

"Bakit naman niya kayo susugurin?"

"I think lahat ng nakikita niya, kinakalaban niya. He's crazy," sabi ni Ash.

"Pero 'yung sword niya..."

"Yeah. For sure special weapon rin 'yun."

"May kutob ako na member siya ng Flame Spectre."

Natahimik silang tatlo at napansin kong kanina pa hindi nagsasalita sina Kelsey at Miles. I'm pretty sure na depressed sila dahil sa nangyari sa weapons nila.

"Akin na 'yan," sabay kuha ni Ash doon sa sirang whip at baril.

"H-huh? Teka bakit?!"

"I'll fix them," at saka siya tumayo pero napatigil siya dahil sa narinig namin.

Parang may nababasag at hinahagis na kung ano doon sa may basement.

"Di pa rin siya tapos?" tapos tinuro ni Ash 'yung daan papunta sa basement.

"Mukhang matagal pa siya dyan."

Pumunta kasi si Krystal sa basement at sinabihan niya kami—more like she threatened us na 'wag kaming pupunta doon. It turns out na gusto niya lang magwala doon.

Pero 'di pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyari kanina. Gusto kong matawa and at the same time ay maawa sa kanya. Kasi naman, hindi ko maimagine na may kahalikan siya dahil sa personality niya. Wala pa atang lalaki ang nagbalak o nagtangka man lang na lumapit sa kanya.

"Grabe magwala si Scarystal. Scary talaga!"

"Pero nagkiss talaga sila ni Kuya Hale eh."

"Kuya? Pano mo naman nagin kuya 'yun?"

"Mas matanda siya kaya kuya siya! Tsaka respect na rin dahil siya nagbigay ng...ng whip ko."

After niyang mabanggit 'yung whip ay tumahimik na naman silang dalawa. Pero grabe. 'Yung lalaking 'yun, kinukuya niya tapos kami wala man lang sign ng paggalang? Nice one, Kelsey. Nice one.

Pero ano bang kailangan ng Hale na 'yun sa amin? Bakit parang minamanmanan niya kami?

After siguro ng two hours ay natigil na 'yung pagbabalibag at yung pagwawala doon sa basement. Naghintay pa ulit kami ng thirty minutes bago kami tuluyang bumaba. Nauna kami ni Ash at nasa likuran naman namin 'yung dalawang Nene. Hindi ako sanay na tahimik lang sila. Nakakapanibago.

Pagdating namin doon, nakaupo si Krystal sa isang sulok at hingal na hingal siya. Grabe naman kasi 'yung pagwawala niya. For sure first kiss niya 'yun kaya nagkakaganyan siya.

Kinuha naman ulit ni Ash kina Kelsey at Miles 'yung weapons nila at pumunta siya doon sa right side. Nilabas niya rin 'yung bag na kinuha niya kanina sa kwarto niya. Mukhang tools para sa pag-aayos ng weapons.

"Oi, Tandash, kaya mo ba talagang ayusin 'yan?"

"Maybe. Nakaayos na ako dati ng special weapon though accidentally lang."

Sumunod 'yung dalawa sa kanya at nilapitan ko naman si Krystal.

"Anong pangalan ng lalaking 'yun?" bigla niyang tanong. Hindi niya ba narinig 'yung pagpapakilala niya kanina? Hay. Baka masyado na siyang inis kanina kaya wala na siyang narinig.

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon