13 [Miles]

390K 13.9K 7.2K
                                    

/MILES/

***

Maaga akong nagising after ng encounter namin kahapon. Actually, hindi ako masyadong nakatulog dahil hindi ako sanay. Doon pa rin kasi ako nakatira sa bahay ni Leo kahit na wala na siya. Binabantayan ko pa rin kasi yung weapons niya doon dahil hindi ako makakapayag na makuha lang yun ng kung sinu-sino.

"Gising ka na pala."

"OH MY GOD!"

Napatalon ako mula sa pagkakaupo ko sa couch dahil biglang may nagsalita sa may likuran ko. Hindi naman ako matatakutin dahil mag-isa lang ako sa bahay namin dati pero kinilabutan talaga ako. Bigla kasing lumamig, as in tumaas yung balahibo ko sa batok! Pagtingin ko, si Scarystal pala! Grabe scary talaga siya!

"The hell with Scarystal? Kahapon pa yan," sabay hikab niya pero wala man lang expression yung mukha niya. Parang bumuka lang yung bibig niya. Tapos.

Pero gosh! Akala ko hindi totoo yung nangyari kahapon. Hindi pa rin ako makapaniwala na sinabi niyang nababasa niya yung isip naming tatlo. As in eto, nababasa niya ang naiisip ko! Mas lalong nakakatakot!

"Uhm, n-n-nasanay na kasi p-po akong gumawa ng nicknames n-ng mga tao," saka ako umayos ng upo. Wala bang way para hindi niya mabasa ang isip ko? Nakakahiya tsaka walang privacy! Paano kung pervert pala ako (which is hindi), eh di sobrang nakakahiya yun?

"Oh. You're the same as Kelsey." Para naman akong ininsulto nun. Kami ni Dumbsey, magkaparehas?! No way! Hindi kami magkalevel!

Bigla naman siyang napatingin sa orasan kaya tumingin rin ako doon, at 5 AM pa lang pala. Nagulat ako nung biglang kumalam yung sikmura ko at tumingin sa akin si Scarystal—OMG nabasa niya ba yung isip ko? Pero nasanay na ako sa Scarystal eh!

Pagtingin ko sa kanya, bumuntung-hininga na lang siya sabay iling.

"Gisingin mo si Kelsey. Siya ang tagaluto namin dito." After niyang sabihin yun ay lumabas siya ng bahay. Saan kaya siya pupunta?

Saka lang nagsink-in sa utak ko yung sinabi niya. Si Dumbsey ang cook?! Aba marunong palang magluto ang babaeng yun? Hindi halata!

Dahil nagugutom na talaga ako, umakyat ako sa second floor at pumunta sa kwarto namin. Pagkalabas ko dito kanina, maayos pa yung higa niya, pero ngayon, yung ulo niya nasa paanan na. Ganito ba 'to kalikot matulog?

Nakaisip naman ako ng way kung paano ko siya gigisingin. Bumwelo ako mula doon sa may pintuan at tumakbo ako papunta sa kama niya. Then, ginulungan ko siya.

"Aray! Sinohgskdmm..."

Umangat lang yung ulo niya at nag-aray pagkatapos natulog na ulit siya. Ako ba chinachallenge ng babaeng 'to? Fine!

Umakyat ako sa kama niya at umupo ako sa likuran niya dahil nakadapa siya. Tapos hinawakan ko yung binti niya at binend ko yun papunta sa akin. Tignan ko lang kung hindi ka pa magising!

"OUCH! Aray! Hoy!" I win! Nagising si Dumbsey! Wrestling lang pala katapat nito eh!

"Oh eh di nagising ka rin!" saka ko binitawan yung binti niya at bumaba ako sa kama.

"Baliw ka pala eh! Sinong hindi magigising kung binabali na pala yung binti mo?!" tapos bigla niya akong sinipa kaya tumalsik ako papunta sa kama ko.

"Hoy! Ang sakit nun ha!"

"We're even," sabay turo niya sa binti niya. Tss. Pasalamat nga siya, mild lang ginawa ko eh!

Sinabi ko naman agad sa kanya na magluto siya dahil inutos yun ni Scarystal kahit hindi naman. Baka kasi hindi siya magluto kapag sinabi kong nagugutom ako kaya dapat kong gamitin ang pagiging leader at scary ni Scarystal para makakain ako. Ang talino ko!

Oh My Ice Goddess (Erityian Tribes, #3) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon