CHAPTER 79 : PROCESS OF GETTING BETTER

93.7K 1.7K 181
                                    

CHAPTER 79 : PROCESS OF GETTING BETTER

RHEA POV

Nagtext si Shai na walang lesson for today. Magpapapyesta na sana ako pero naalala ko yung assignment na iniwan niya para sa akin. Kinuha ko ang sticky note na nakalagay sa laptop ko at binasa 'yon. Ang daily lesson ko ay napalitan ng 'Goal For Today' kung saan lahat ng dapat na nakasulat rito ay magawa ko sa loob lang ng isang araw. Ito ang nakasulat :

'October 10 Goal :

-Greet the first ten person you're going to encounter

-Kiss your father and brothers to say goodbye

-Use 'po' and 'opo'

-Smile to your classmates

-Give at least one compliment to five anonymous people

-Participate in class (Recite five times)'

Napakamot ako sa aking kilay at nagbuntong hininga ng napakalalim. Parang mas gusto ko na lang makipagtitigan sa papel. Naiisip ko na gumawa na lang ng palusot. Huwag na lang kaya ako pumasok? Hindi ako prepared.

Saka ba't parang masyadong specific 'tong si Shai? Path 'po' at 'opo' ay kailangan kong sabihin? Ano ako? Kinder? Tapos may recitation pa. My gosh. Ayoko na.

Parang mas trip ko na lang na maglesson si Shai kaysa gawin ko 'to. Ilang minuto akong nakahilata para mag-isip kung ano ang dapat kong gawin. Huminga ako ng malalim at nagpasyang pumasok na lang. Baka makutusan lang ako ni Shai. Naisip kong baka hindi rin tumalab ang magiging palusot ko.

Naligo ako, nagbihis at nag-ayos. Nasasanay na ako gumising ng maaga. Paano ba namang hindi? Eh, pagligo palang ay inaabot ako ng siyam-siyam. Ewan ko ba kung bakit. Hindi naman ako matagal maligo dati. Noon, wisik wisik lang ay okay na. Wala pang five minutes tapos na ako. Ngayon, ewan ko. Minsan inaabot ako ng halos isang oras sa banyn. Daig ko pa ang nagriritwal. Sa pag-aayos naman, simple lang. Simple pero hindi ko ginagawa noon. Hindi ako nagmi-make up. Nakakailang pa rin kasi, eh. Pero nag-aayos ako sa abot ng aking girl power sa ngalan ng lipgloss at powder. Ngayong araw, sinubukan ko itali ang buhok ko. Naka-bun. Medyo messy ang kinalabasan kasi hindi ko na matandaan yung tunuro sa akin dati ni Shai pero dahil maganda sa paningin ko, hinayaan ko na lang na gano'n.

Sandali muna akong nag-fb bago lumabas ng kwarto. Binasa ko ulit yung 'goals' ko habang pababa. Saan ba 'to mag-i-start? Dito ba sa bahay o sa school? Ang tindi naman kasi. Para akong naglalaro ng zombie tsunami na kailangang i-achieve ang mga mission para mag-level up.

"Rhea!" Napaigtad ako at napahatak sa rills ng hagdan sa sobrang pagkagulat sa bulalas ni Yaya. "Ano ka ba namang bata ka! Ba't ka nagbabasa habang bumababa ka ng hagdan? Hindi ka tumitingin sa dinaranan mo. Paano kung mahulog ka?"

Magrereklamo sana ako at mangangatwiran pero sumingit sa utak ko ang goals. Goals. Goals. Goals. Iyon dapat ang isipin ko. . .

"G-good morning, Yaya." Ngumiti ako. Medyo pilit nga lang. "Sorry." Binaba ko ang note na binabasa ko at nilagay sa bulsa ng aking bag.

One down. Nine to go for the first goal.

Sandaling kumunot ang noo ni Yaya pagtapos ay nagbuntong hininga. Ngumiti rin siya pabalik. "Good morning rin. Kumain ka na. Sumabay ka sa mga Kuya mo. Gising na rin ang Papa mo. Pumunta ka na sa kusina."

Tumango ako at sinunod agad si Yaya. Medyo lutang ang utak ko at paulit-ulit na ni-recite ng tahimik ang mga goals para hindi ko makalimutan. Pagdating ko sa kusina ay medyo kabado ako. Napalunok pa ako nang makitang kumpleto sila.

Napatingin silang lahat sa akin. Ngumiti ako ng malaki at sabay-sabay na kumunot ang noo nila. Parang epic fail, ah?

"Good morning." Lumunok ako sabay dugtong ng mahinang, "po."

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now