CHAPTER 10 : PAST, PRESENT & FUTURE

218K 3.5K 642
                                    

RHEA POV

Umalis na kami ng ice cream house at hindi pa rin ako umiimik.

May aftershock pa rin ako sa 9th step.

Grabe naman 'yon!

Love a man?!

What the heck?!

At sino ang target? Si Coby? Pwede magmura ng malutong na malutong? Parang kanina lang iniisip ko na sobrang imposible yata na magustuhan ako ng isang Coby Ramirez. Pinaghambing ko pa nga ang batang Rhea sa boyish na Rei pagtapos ngayon si Delgado naman ang hihirit na kung may gusto ako kay Coby, pwede ko siyang gawin inspirasyon para matapos ang kontrata. Pero mas nawindang ako do'n sa 'go deeper'. Iniisip siguro ni Ren na 'gusto' ko pa lamang si Coby at hindi pa 'mahal'.

Mukhang mali siya sa pagsasabing magiging advantage ko ang 9th step. Sa tingin ko kasi ay 'yon ang pinakamahirap na step sa lahat!

Arghh! Bakit parang mas komplikado? Habang lumilipas ang araw, mas lumiliit ang chance na magawa ko ng tama ang nasa kontrata.

Nilingon ko si Ren na tahimik na nagda-drive at mukhang may malalim na iniisip. Mukhang problemadong problemado. Daig pa niya ako,ah. Di ba dapat ako ang problemado dito?

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Ikaw? Saan mo gustong pumunta?"

"Di ba dapat ikaw ang nakakaalam kung saan? Ikaw ang nagda-drive?"

"Yun na nga,eh. Wala kang mapapala sa akin. Kanina pa kaya tayo paikot-ikot. Hindi mo ba napapansin?"

"Ano ba 'yan! Nagsasayang ka lang ata ng gas,eh!"

"Mag-suggest ka ng lugar. Kung ako ang masusunod, uuwi na lang ako. Ikaw? Gusto mo bang umuwi?"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Ayoko! Magtataka ang mga katulong namin. Saka nasa bahay si papa. Baka isipin no'n nag-cutting ako! Ikaw kasi,eh!" paninisi ko sa kanya. "Kasalanan mo 'to. Dapat pumasok tayo kahit late!"

"Balak ko naman 'yan kanina,eh. Sino kaya sa atin ang sobrang tagal kumain ng ice cream at naka-apat na order?"

Namula ako sa hiya. "You brute! At ako pa ngayon ang may kasalanan?!"

He sighed. "Hindi naman kita sinisisi,eh. Kung gusto mo, mag-stay ka muna sa bahay-"

"Ayoko nga!" hindi ko na pinatapos ang sentence niya. Alam ba niya ang mga sinasabi niya?

"O di ba? Alam ko namang hindi ka papayag." naiiling na wika niya.

"Talagang hindi." I rolled my eyes on him. "Saan na tayo ngayon? Hindi naman tayo pwede sa mall. Naka-uniform tayo. Hindi tayo papapasukin."

"I know. Kaya nga wala tayong choice." sagot niya. "Pwede pa naman tayong pumasok."

"So,papasok na lang tayo?"

"Pwede. Pero handa ka na bang magpaliwanag sa disciplinarian natin?"

Napa-facepalm ako. Offense na naman 'to!

"At handa ka bang ma-interrogate? Baka ma-tsismis tayong dalawa dahil parehas tayong late." napangiwi kaming pareho. Siguro na-imagine niya rin ang nakakadiring tsismis na maaaring kumalat kapag pumasok pa kami.

"Huwag na lang tayong pumasok." sabay pa naming sasabi. For the first time, nagkasundo kami sa iisang bagay.

He cleared his throat and focus on driving. Ako naman ay umiwas ng tingin.

"So,saan tayo?" tanong ko ulit.

"Mag-hotel na lang kaya tayo?" nakangisi na siya. Pumilyo na naman. Binatukan ko nga. Feeling ko nga umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha. Manyak!

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now