CHAPTER 58 : FIND ANOTHER WAY

112K 2.2K 276
                                    

CHAPTER 58 : FIND ANOTHER WAY

Ha? Ano daw? No cursing? Just what? Bwiset talaga 'tong kumag na 'to, eh. Ito na naman! May bagong pakulo na naman ang loko. Sarap bigwasan. Oo, palamura ako pero pati ba naman 'yon ay gagawin niyang big deal?

Sandali akong napaisip. Oo nga pala. Usaping pambunganga na pala ang step na 'to. Kaya paniguradong big deal kay Delgado ang kahit anong salita na lalabas sa aking bibig. Buti na lang hanggang utak ko palang ang pagpoprotesta at waka pa akong nabibigkas na kahit anong salita. Teka, pag minura ko ba siya ng paulit-ulit sa isipan ko, counted ba 'yon?

"So, makakalaban kita? Anong klaseng laban naman 'to? Anong magiging premyo? Saka hindi mo nabanggit kung anong silbi ng ballpen at steno pad rito."

Umupo siya sa gilid ng kama at nagdekwatro. Ngumisi siya sa akin. "Syempre hindi ko muna sasabihin ang price. Yung steno pad at ballpen, dyan natin ililista kung nakailang mura tayo sa isang araw."

"So, fifty pesos isang mura? Ang mahal naman!" Reklamo ko.

"Fifty pesos bawat mura o kahit anong offensive o sarcastic remarks mula sa ating dalawa. Kung namamahalan ka, huwag ka na lang magmura. Period." Kinagat niya ang kanyang labi. "O pwede ring mahalin mo na ako. At least , mapapamura ka lang sa sarap kong magmahal."

"Hayop ka-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang tumayo para abutin ang steno pad at pen. May sinulat siya ro'n na hindi ko alam kaya wala sa loob akong napatayo para tignan kung ano ang inilagay niya ro'n. Akala ko'y ilalayo niya sa akin ang steno pad ngunit mali ako. Tinapat niya pa sa aking mukha ang pad.

"Ayan. May isang mura ka na. Mamayang gabi, lalagay ko yung fifty sa curse jar. Mahaba pa ang araw. Paniguradong makakapagmura ka pa at hindi lang fifty ang malalagay ko sa jar." Nakangisi siya ng nakakaloko.

Namula ang mukha ko. Halos mabugahan ko siya ng apoy. Counted na agad 'yon? Wala pa nga siyang sinasabing 'game' , eh! Bwisit na 'to! "Hoy! Wala ka pa ngang signal na game na pala!"

Tumawa siya. "Oh, bakit? Na-explain ko na sayo, di ba? Ibig sabihin 'start' na. Saka, day one na ngayon. Wala ka ng excuse para i-postpone ang step na 'to."

I hissed. I want to strangle him! Napakataba talaga ng utak ng kumag na 'to, eh. Pero masyado siyang tuso and that makes me think that he's desperate to win against me. Though, paniguradong sanay na sanay na siyang manalo sa tuwing naglalaban kami sa kahit anong laro, seryoso man iyon o trip lang. At kahit pa tanggap ko na rin naman na sa aming dalawa ay ako ang palaging talunan, ayoko namang ma-fail ang step na 'to. Ayokong maging forever loser against him!

Kinagat ko na lang ang aking dila para hindi makapagmura ngayon. Pero sa totoo lang, pinapaulanan ko na siya ng mura sa isipan ko.

"So, ngayon na rin ang umpisa ng daily lessons?"

"Yeah. Marami-rami 'to pero hindi pwede i-rush dahil baka hindi mo maintindihan agad-agad. May pagka-slow ka pa naman minsan."

Kinagat ko ang aking labi. Wow naman! May kasamang lait pa talaga! Ako hindi pwede magsalita ng nakaka-offend pero siya pwede manlait? Nasaan ang hustisya?

"Teka nga lang. Bakit parang mukhang dehado ata ako?" Anggil ko sa kanya.

Tumitig siya sa akin. "Saan banda?"

"Anong 'saan banda?' Ikaw ang dali-dali mo maglista ng mali ko pero paano naman yung mga mali mo? Natural, hindi mo ililista yung mga mali mo kasi gusto mo manalo. Saka, akala mo naman ako lang ang 'slow' dito. Eh, ikaw rin naman hindi laging aware na nakaka-offend na ang sinabi mo."

"Hindi ako mandadaya, promise. Saka problema ba 'yon? Eh di ikaw ang maglilista ng akin." Inabot niya sa akin ang isang steno pad. "Oh, ayan na. Para naman hindi tayo magduda sa mga ililista natin, isulat mo na rin yung mismong words at kung ano ang nakaka-offend ro'n. Fair enough? May irereklamo ka pa ba?"

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now