CHAPTER 37 : SECOND TEST

127K 2.2K 228
                                    

RHEA POV

Naging busy ako sa mga sumunod na araw. Naging abala ako sa pagsunod sa mga isinulat ni Shai sa notes and list. Inuunti-unti ko na ang pagsasanay dahil na rin sa payo niya. Para naman hindi ako maging sakit ng ulo sa kanya pagbalik niya. After dismissal, magkasama kami ni Anne at nag-b-bonding. Bumabawi siguro siya sa mga araw na hindi kami nagkakasama. Saktong pag-uwi ko lagi sa bahay ay naghihintay si Delgado at nag-w-work out kami agad.

So far, so good. Marami siyang naituro sa akin kapag work-out session na. Nakakapag-push up na ako ng mabilis pero hindi ako nakakatagal. Hindi tulad nung kay Delgado. I'm still working sa pag-p-push up na isa lang ang kamay. Hihi.

Bantay sarado ako sa pagkain. Patuloy si Delgado sa paggawa ng diet plan ko. Na-t-try ko na kontrolin ang cravings ko. Amazing, right? I'm so proud of myself. Pero syempre, nandyan pa rin ang endless temptation kaya iniiwasan ko na lang pumunta sa kusina at cafeteria para hindi tuluyang mabulilyaso ang aking diet. Ang hirap kaya no'n!

May nadagdag pa sa daily routine ko. Na-extend ang time namin ni Delgado para sa Step 2. Naging instant preacher ang loko sa pag-e-explain ng maturity process. Nagsimula kami two weeks ago at may everyday lesson siya sa akin. Ang tyaga rin ng isang 'yon. Talagang seryoso siyang maturuan ako. Minsan inaatake ng topak, at minsan inaatake ng pagka-manyak pero nag-b-behave naman din agad. Hello? Lagi kaming nasa kwarto ko at lagi kong iniiwang bukas ang pinto para hindi mag-isip ng kung ano ang mga tao sa bahay. Sa kwarto ko lagi kami nag-uusap tungkol sa maturity.

Pilit kong inaalala ang mga tinuro niya.

Day 1

"Share your thoughts and feelings to others. Lagi ka bang nag-s-share ng mga iniisip mo sa ibang tao? Kay Anne o sa kahit na kanino?" tanong niya sa akin.

Napaisip ako sandali saka ko siya sinagot. "Hmm, nag-s-share ako pero hindi lahat sinasabi ko. Yung iba kini-keep ko lang sa sarili ko." sagot ko. Tumango siya.

"Maliban sa bestfriend mo, sino pa ang confidant mo?"

Napaisip ako ulit. "Uhm, wala na? Teka nga, anong kinalaman ng pag-s-share sa maturity?" nagtataka kong tanong.

"Sabi sa librong nabasa ko, if you share your feelings to others, mas lumalawak ang pananaw mo sa mga bagay-bagay. Syempre, you'll see their reactions and some will give their own advice. Meaning, may nadadagdag sa pananaw mo. Saka require ang isang tao na dapat may confidant siya dahil kung wala, he'll take all the burden by himself. That's a sign of immaturity."

"Aahh. . ." napanganga ako sa paliwanag niya. Akalain ko bang may alam siya sa mga gano'n! At talagang nagbabasa siya ng mga gano'ng klaseng libro.

"You know what, gusto ko ring maging confidant mo. O kaya ikaw ang maging confidant ko kaya lang, alam mo na, minsan inaatake ako ng pagkatorpe." tumawa siya. Ako sobrang namula. Hinampas ko siya ng unan.

"Heh!"

Day 2

Ibang topic naman ang inungkat niya sa pangalawang araw. "Kapag ba nalulungkot ka, alam mo lagi ang rason kung bakit?" tanong niya.

Hindi ako agad nakasagot. Inisip ko yung mga pagkakataong malungkot ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon alam ko yung rason kung bakit ako malungkot. May times na alam ko, may times na clueless ako at bigla-bigla na lang makakaramdam ng lungkot. Is it weird?

"Hindi lagi. Siguro 7 out of 10 yung lagi kong alam yung dahilan. Yung natitira, hindi ko alam yung reason. Mga gano'n." napakamot ako sa aking kilay. Hindi ko alam kung tama ba ang naisagot ko. Parang malabo masyado ang sinabi ko.

Tumango si Delgado. "Pero dapat lagi kang maging aware sa paligid mo. Kapag daw hindi mo alam ang dahilan kung ba't ka malungkot, sign iyon ng immaturity."

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now