CHAPTER 15 : SOURCE OF IRRITATION

163K 2.5K 426
                                    

 

RHEA POV

Dinurug-durog ko ang pobreng isdang nasa plato. Kawawa naman ang isdang 'to. Kung sino man ang kamag-anak niya sa ocean, hindi na siya kailanman makikilala dahil minassacre ko na siya.

Tinapunan ko ng masamang tingin si Shanghai at ang pinakamasamang tao sa balat ng lupa. Nagtatawanan sila. Mga malalanding tao! Ang saya naman nila samantalang ako ay nagngingitngit sa pinakadulong bahagi ng dining table. Kung itaob ko kaya 'tong table at idagan sa mga katawan nila? O kaya naman ay sila na ang pumalit sa pobreng isdang nasa plato at sila ang i-ma-massacre ko? Parang mas masaya 'yon.

Ang lakas makapambwisit. Kung pumayag na lang sana silang mag-pinsan na pauwiin ako, eh di sana hindi ako na-a-out of place ngayon sa hapagkainian.

Oo,mag-pinsan sila. Ang pobreng si Shanghai ay nag-joke ng walang kwenta. Sabihin ba namang boyfriend niya si Delgado? Duh! Kailan pa bumagay ang Shanghai sa pugito?

Badtrip tuloy ako hanggang ngayon. Paano ba naman, pagtapos mag-joke ng babaeng 'yon ay inakusahan akong nagseselos daw ako. Aba! Ang kapal! Ako? Si Rei Marval ay magseselos ng dahil sa isang halimaw? That's a sick joke,baby. Ingungudngud ko pa ang mukha nila sa isa't-isa,eh.

Seryoso, masusuntok ko na sana si Shanghai kanina. Kaya lang naman ako hindi nakapag-react nung una ay dahil hindi ko inakalang may mapapatol pala sa mukhang bakulaw. Ipinagdadasal ko na nga si Shanghai kanina para makapagtiis siya ng matagal sa 'boyfriend' niya raw kuno. Tapos biglang sumigaw si Shanghai ng 'Joke! Joke! Joke!'

Sarap bangasan.

Si Delgado nga ay tila tuwang-tuwa pa. Tse! Basta ako ang pinagkakatuwaan, laging masaya ang baliw na 'yon.

Tumingin si Delgado sa direksyon ko at nahuli niya akong pinapatay siya sa tingin. Ngumisi lamang ang walang hiya! Iningusan ko siya.

"Hey,Rei. Ba't mag-isa ka dyan? Tara dito!" nakangiting tawag ni Shai sa akin.

Ngumiti ako. Shems. Ang plastik. "No,thanks."

Baka maistorbo ko pa kayo.

Pinagdiskitahan kong muli ang kawawang isda at tahimik na pinagdasal ang kanyang kaluluwa. Kung bakit naman kasi nawalan ako ng gana kumain. Eh di sana napakinabangan ko pa ang nutrients na dala ng isdang 'to.

Nang matapos silang maglandian -este kumain, magpapaalam na rin sana ako para makauwi. Gustong-gusto ko na kasing magpahinga. Not to mention, mawala sa paningin ko ang dalawang 'to.

Magsasalita pa lamang ako para magpaalam ay hinigit na ni Shanghai ang braso ko. "Let's bonding muna bago ka umuwi." lumingon siya kay bakulaw. "Harris, do'n lang kami sa entertainment room,ah."

"Ahm,wait. Uuwi na-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng sumabat si Delgado.

"Hindi ba ako pwedeng sumama?"

Umiling ang pinsan niya at ngumiti ng matamis. "We'll have a girl talk,Harris." kumindat pa siya sa pinsan niya saka ako hinila papunta sa entertainment room.

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now