CHAPTER 57 : DO THIS

108K 2.2K 424
                                    

CHAPTER 57 : DO THIS

Maaga akong nagising para sa araw na 'to. First day of September. Monday. Usually, tamad na tamad ako tuwing araw ng lunes pero hindi gano'n ang lagay ko ngayong araw. May kinasasabikan ako kaya naman sinalubong ko ang araw na 'to ng nakangiti. Agad kong hinagilap sa side table ang aking phone at tinignan ang mga message na nando'n.

Bakulaw : Get yourself ready. Will start the next step after class.

Napangisi ako. Pinigilan ko ang aking sarili na magpadala ng sarcastic na reply. Gusto ko mang sabihin na na-e-excite ako sa step na 'to, mas maganda na sigurong huwag ko na lang isatinig. Baka sabihin pa ng mayabang na nilalang na 'to na sa kanya ako nasasabik at hindi sa step four. Lol. Kaya hindi na lang ako nagreply.

Shai : Morning rituals. May nilagay nga pala akong new supplies sa bathroom mo. Hihi. See you soon! Miss you already : (

Napakagat ako sa aking labi at bahagyang natawa. Shai talaga. Hindi pa rin talaga ako nakalimutan. Parehas ata kaming may hang-over pa sa last step.

Nag-reply ako.

Me : Hey, Shai! Thank you! Dalawin kita pag may time, okay? Hindi kita namimiss. : )

Ang last message na binuksan ko ay kagabi pa itinext. Galing kay Coby.

Coby : Thanks for tonight, Rhea. Na-enjoy ko ang date natin. Next time ulit. Marami pang susunod. I promise. Though, I hope you don't mind me inviting you whenever we both have enough time. Goodnight, fairy.

Sandali akong natulala sa text na 'yon pagtapos ay unti-unti muling sumilay ang ngiti sa aking labi. Ngayon lang kasi nag-sink in sa isipan ko na nag-'date' pala kaming dalawa. Akala ko simpleng 'galaan' lang. 'Date' na pala ang tawag do'n.

Masarap rin pala sa pakiramdam na dumadaan ang isang babae sa normal na proseso ng panliligaw. Yung alam mong may isang taong nagpupursiging makuha ang loob mo. Nakikita mo yung effort niya. Nararamdaman mong may malaking chance na mahulog ang loob mo sa taong 'yon. Malinaw, klaro at hindi kailangang hulaan kung nasaang estado na kayo. Walang masyadong tanong. Alam mo kung paano kayo nagsimula, nae-expect mo na ang mga turning points. May pressure , oo, pero kaya mong i-handle. Hawak mo yung desisyon kung maglelevel up na kayo o tuloy pa rin ba kayo sa 'getting to know each other' stage. Stage na parang nakakamatay sa kilig at tila napakasarap magmahal.

Gano'n kami ni Coby ngayon. Kaibang-kaiba sa kung anong nangyayari sa estado namin ni Delgado.

Alam kong ilang beses ko nang nasabing nasa 'sobrang malabo' stage kami ni Delgado. Nakakalito ang sitwasyon. Nakakabaliw sa dami ng maaari mong itanong sa iyong sarili. Sobrang gulo. Hindi mo alam kung saan mo nahugot at kung paano nagsimula. Hindi mo sigurado kung totoo o trip. Kung seryoso o lokohan. Hindi constant ang effort, pabago-bago ng isip at nakakatuliro dahil hindi mo alam ang susunod mong gagawin. Wala kang kontrol sa sitwasyon at dumarating sa punto na tila sasabog na ang iyong ulo sa pressure. In short, ito yung sitwasyong pwede kang magtransform na dragon at magbuga ng apoy sa sobrang inis. Ang sarap magmura ng paulit-ulit.

Hindi naman sa nagmamarunong. Alien kasi sa akin ang karanasang 'to kaya nadedescribe ko ang malaking kaibahan ng nanliligaw sa nagpaparamdam lang. Ang napakalaking difference ni Coby kay Delgado ay opisyal siyang nanliligaw. Habang si Delgado naman ay may lahing multong kabute na pasulpot-sulpot lang pero pag nagparamdam ay matindi.

Alam ko sa aking sarili na meron ngang nakakalamang pero ang pinaka malaking question mark ay kung sino. Ba't kaya hindi ko kayang idaan na lang ito sa 'enie-minie'? Ang lakas kasi makapukpok ng konsensya ko. Pag nagpadalos-dalos, hindi lang ako yung magsa-suffer.

Bumangon sa kama at kinusot ang aking mata. Napatulala ako ng ilang minuto. Hindi ko talaga inakala na darating ako sa ganitong punto. Nagtatanong ng kung anu-ano sa aking sarili tungkol sa kaabnormalang pampuso. Akalain ko bang may tinatago palang kalandian ang puso kong tuod dati pagdating sa mga lalaki?

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now