CHAPTER 54 : A MINUTE OF BEAUTY , CONFIDENCE AND ELEGANCE

96.2K 1.9K 155
                                    

RHEA POV

Sinpak ko ulit siya. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha sa ginawa niya. Idagdag pa yung mga salitang binitawan niya.

Ang akala ko magagalit siya sa pangalawang suntok ko . Pero ang kumag, nabaliw na ata ng tuluyan at tumawa ng malakas. Napakalakas na parang may balak siyang mambulahaw ng kapitbahay. Kinuha ko ang unan at hinampas ko sa kanyang mukha pero hindi pa rin siya tumigil sa pagtawa.

"Ano ba? Bwisit! Hindi kita na-miss! Ang kapal naman talaga ng mukha mong baliw ka! Ba't naman kita mamimiss?"

"Hay, defensive masyado." Yumuyugyog pa rin ang buong katawa niya sa pagtawa at nakakagat siya sa kanyang labi. Hinampas ko ulit siya ng unan.

"Huwag ka ngang mag-lipbite!"

"Bakit? Naapektuhan ka?" Tumawa na naman siya at halos tumirik na ang mata ko sa sobrang pagkairita. Talaga naman!

"Ang laswang tignan! Naapektuhan? Ako maaapektuhan? Baka gusto mong mapektusan kita dyan?"

Linapit niya ang kanyang mukha sa akin at napasinghap ako dahil sobrang bilis niya. Nag-lipbite siya ulit at saka ngumisi.

"Sure? Hindi ka naaapektuhan?" Nanunukso niyang tanong. Muntik na akong mapanganga. Napalunok ako ng tatlong beses habang nakatunghay sa kanya gamit ang nanlalaki kong mga mata. Napausog ako paatras pero ang walang hiya umabante naman! Hayop talaga!

"A-ano ba?"

"Kung hindi ka naaapektuhan, ba't ka nauutal?"

Hindi ako nakasagot. Lumunok ulit ako. Nagkarambol-rambol na ang mga pambara lines na dapat ay isisinghal ko sa kanya.

Lumaki ang ngisi sa kanyang mukha. "At ba't ka napapalunok?"

Napaiwas ako ng tingin. Bakit nga ba? Shit naman! Naisip kong idahilan na nauuhaw na ako. Yes! Nauuhaw na ako! Trip ko inumin ang laway ko! Yuck!

"At ba't ka umiiwas ng tingin, hmm? Ba't hindi ka makatingin sa akin? Naiilang ka ba? Kinakabahan? Tell me."

Takte naman talaga. Hindi pa pala siya tapos sa kaka-'tell me' niya.

"Hmm, bakit hindi ka na makasagot ngayon? Affected much?"

"Ang k-kapal mo!"

"Sagutin mo muna ang mga tanong ko. Pag hindi ka nakasagot, that means, apektadong-apektado ka at hindi mo na ma-take ang presence ko dahil-"

"Dahil bwisit ka! Malaking bwisit! Really? Pagtapos ng 'walang pakiramdaman' days, nandito ka na naman? Pa-fair fair ka pang nalalaman dyan! Grr!" Nasabunutan ko siya sa sobrang inis ko. Napa-'aray' siya pero dahil napaka-wirdo niyang nilalang, umaaray siya habang tumatawa.

"Huwag ka ngang tumawa!"

Tumigil nga siya pero nang mag-angat siya ng tingin ay naka-lipbite na naman ang damuho! "Ba't ka ba naiinis dyan? Ikaw na nga nilalambing, ikaw pa galit. Hay, girls are really pain in the neck." Sinabi niya 'yon pagtapos ay naglipbite na naman. Sasabog na ang ulo ko sa sobrang discomfort. Dati pa naman ako inis na inis sa kanya pero bakit pakiramdam ko ay iba na ang pinaghuhugutan ng inis ko sa kanya ngayon! Nakakabanas!

"Sabi kong huwag kang mag-lipbite sa harap ko, eh!"

Mas nilapit niya pa ang kanyang mukha sa akin. "Ba't ka naiinis? Bakit? Ayaw mo bang kinakagat ko ang labi ko sa harap mo? Gusto mo bang ikaw ang kumagat?"

Santisima! Lahat ng engkantong may kasalanan ng pag-asal maligno ni Delgado ngayon ay ipapakulam ko!

Tumawa na naman ng malakas si Delgado. Nakahawak siya sa kanyang tiyan habang nakaturo sa akin. Para siyang malalagutan ng hininga sa pagtawa niya. Hinampas hampas ko siya ng unan habang minumura siya ng paulit-ulit.

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon