CHAPTER 32 : READ BETWEEN THE LINES

119K 2.2K 626
                                    

RHEA POV

I never thought Artemis and Coby have their own lighter side. Ganito kami nung mga bata kami. Hindi ko akalaing hindi nawala sa characteristic nila ang adoration nila sa akin. Ang napansin ko lang kasi nung una ay yung kaibahan ko sa kanila. Yung malaking pagkakaiba ng lifestyle namin. Parang dati yung unang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko sila ay yung kaba. Kinakabahan ako sa tuwing naiisip ko na mahirap silang pakisamahan. Sa tuwing sumasagi sa isip ko na wala silang pinagbago ay hindi ko maiwasang matakot na baka hindi nila magustuhan ang mga pagbabagong nangyari sa akin. Kaya parang kusang nag-iiba ang ugali ko pag sila ang kaharap ko. Siguro ay takot lang akong ma-reject. Who in the world does want rejection?

But now, I feel secure. Nawala yung pagkailang. Nabawasan yung kaba ko. Hindi ko alam kung paano pero ramdam ko yung improvement sa sarili ko.

Hindi muna ako magyayabang. Baka mausog ako. Sana magtuloy-tuloy na.

Napasigaw ako ng matalo ko ang magkapatid sa paglalaro namin ng COD sa Xbox. Lumingon ako sa magkapatid. Si Coby napanga-nga at si Artemis naman ay frustrated na nilapag sa kanyang hita ang joystick.

"I suck!" reklamo ni Artemis.

Tinuro ako ni Coby nang lingunin niya si Artemis. "I can't believe she beats me! I thought I've already master this game. Damn. She's a monster." napangisi ito at halatang amaze na amaze sa pagkapanalo ko. Napangiwi naman ako. Dapat ba easy mode lang ako kanina?

Natawa si Artemis at hinampas sa balikat ang kapatid niya. "You finally met your match, brother."

Lumingon sa akin si Coby at nagkatinginan kaming dalawa. He chuckled. "I won't mind being defeated by her if she's my match."

Ako naman ang napanga-nga. Biglang nangisay si Artemis sa tabi ni Coby at hinampas hampas ang braso ng kanyang kapatid gamit ang throwpillow. Tatawa-tawa namang pinapatigil ni Coby si Artemis. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Nanunuod.

Napalunok ako at tumikhim. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko gustong bigyan ng kahulugan ang sinabi ni Coby pero sinisigaw ng isang side ng utak ko na may ibig sabihin iyon.

Okay. Kalma. Kailangan kong kumalma. Hindi ito ang oras para kiligin ako sa sarili ko. There's no confirmation. I can't assume nor conclude. Nakakamatay.

Hinawakan ni Coby ang braso ko at pinaupo ako muli sa tabi niya.

"Rematch?" kumikislap ang mga mata niya. Ngayong magkalapit kami parang gusto ko ring mangisay kagaya nung kay Artemis. Shit! Ang gwapo-gwapo niya. Lahat ng parte ng mukha niya sumisigaw ng salitang 'pogi ako'. Hindi ko masisi ang puso ko sa pagiging abnormal nitong muli.

"S-sure." ngumiti ako at ngumiti rin siya pabalik. Gaaad! Ayoko na! Lusaw na ko! Nahihirapan akong huminga. Shit talaga. Dati naman walang epekto sa akin ang mga gwapo, ha? Self-proclaimed pa nga ang pagsasabi ko na 'mas gwapo ako sa kanila.' But now? Hiyang-hiya ang balat ko kay Coby. Wala akong panama. Ngiti palang dehado na ako.

Nag-rematch kami at doon ko tinutok ang buong atensyon ko. Hindi ko alam kung paano ko nagawang mag-focus sa game gayong sobrang distracted ako na katabi ko siya. Minsan nagkakasanggi ang mga braso namin at pag nangyayari iyon, heaven and hell ang feeling. Heaven dahil masarap sa feeling. Hindi ko ma-explain kung paano naging 'masarap' ang pagsasanggi ng braso gayong hindi naman ito pagkain. Hell dahil sa tuwing nararamdaman ko ang balat niya, napapaso ako. Anong kaabnormalan ang tawag dito? Disorder na ba ito or what?

Hindi na sumali si Artemis at pinanuod na lamang kami na naglalaban. Maya-maya ay nagpunta ito sa kusina para kumuha ng snacks. After three games, hindi pa rin ako natalo ni Coby.

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now