CHAPTER 66 : DONE NOTHING

75.7K 1.8K 153
                                    

CHAPTER 66 : DONE NOTHING

A/N : This chapter is dedicated to Crisyll Torres

-

RHEA POV

"Rhea, this is Artemis."

Natigilan ako ng ilang sandali. Muli kong tinignan ang screen ng phone ko. Hindi nga si Delgado ang tumawag kundi si Artemis. Tama ako ng pagkakarinig.

"Oh, hi Artemis!" Pilit akong tumawa. "Sorry. Ang akala ko iba. M-may hinihintay kasi akong tawag."

"Okay lang. Sorry. Mukhang naistorbo kita. Kakauwi ko lang kasi at wala akong naabutang tao rito sa bahay. I was calling my brother but he isn't answering. Alam mo ba kung nasaan siya?"

"Hindi, eh." Napakamot ako sa aking ulo. "Ilang araw na rin nung huli kaming nag-usap." Hindi ko alam kung nabanggit na ni Coby kay Artemis ang tungkol do'n. Medyo nag-a-alangan rin akong magbanggit ng detalye dahil baka hindi pa.

"Ohh. Sabi ng katulong namin two days ng hindi umuuwi rito si Coby. Hindi naman daw nagpaalam kung saan pumunta. Natatakot tuloy akong mag-inform kay Dad kasi baka hindi rin nagpaalam si Coby sa kanya. Ang akala ko magkasama kayo ngayon."

Napatawid ako ng tayo. Two days na hindi umuwi si Coby?

"H-hindi kami magkasama."

"Gano'n ba? Pwede bang pag tumawag siya o kahit magtext man lang sayo, i-inform mo ako? I'm starting to worry." Narinig ko ang pabuntong hininga niya. "Hindi naman kasi siya umaalis ng hindi nag-iinform. Usually, magpapaalam muna iyon."

"S-sure." Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako kinabahan bigla. "Ita-try ko rin siyang tawagan tapos pag sinagot niya, sasabihin ko kaagad sayo."

"Thank you. Kararating ko lang galing airport. Wala si Coby kaya walang nagsundo sa akin. . ."

Nagra-rumble na lahat ng possibilities sa utak ko. Napaka-negative ko pa namang tao at kapag ganitong may mga missing-in-action ay kung anu-ano ang naiisip ko. Baka na-holdap si Coby. Baka naaksidente. Baka kinain ng multo. Baka. . .baka. . .

Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod na habilin ni Artemis dahil unti-unti akong natotorete ngayong nalaman kong nawawala si Coby. Hindi pwede 'to. Masyado ba talaga siyang naapektuhan sa pambabasted ko?

Oo, medyo makapal ang mukha ko sa tanong na 'yon. At feeling ko nga ay hindi lang mahaba ang buhok kundi makapal ring parang lubid. Gusto kong ma-assure kung okay lang si Coby at wala akong kinalaman kung bakit siya nag-adventure ng walang paalam. Mamatay ako sa guilt at pag-aalala hangga't wala akong impormasyong nakukuha.

"Thank you ulit, Rhea." Iyon ang huling sinabi ni Artemis bago niya ibaba ang tawag. Nakumpirma ko ring wala pa siyang alam. Hindi niya alam na binasted ko na ang kapatid niya kaya gano'n na lang kalaki ang tiwala niyang mapapalabas ko si Coby.

Ilang sandali akong tulala matapos ang tawag na 'yon. Hanggang sa naalala kong may gusot rin akong inaayos sa pagitan naming dalawa ni Delgado.

"Kainis." Agad-agad kong tinignan kung nag-reply ba siya ngunit sa kasamaang palad ay wala man lang isang text na nag-pop out sa screen ko. Napakagat ako sa aking labi at hinagis ko muli sa kama ang aking phone.

"Kainis! Kainis!" Pinaghahampas ko ang aking unan. Nahinto ako nang may kumatok sa aking kwarto.

"Rhea? Hindi ka na ba kakain?" Si Yaya Martha ulit iyon. Napilitan akong tumayo at bumaba. Pilit akong umakto na normal ngunit panay ang tingin sa akin ng mga Kuya ko. Si Kuya Rex ay tawa ng tawa habang nagkukwento. Hindi ko alam kung ginagawa niya lang 'yon para umingay sa dining room. Ngunit si Kuya Roy ay mataman lang akong tinignan.

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon