CHAPTER 27 : NOT A GOOD JOKE

141K 2.3K 500
                                    

REN POV

"Ano? May naisip ka na ba na strategy, ha?"

"Wala pa-"

"Bakit wala pa?! Bilisan mo naman mag-isip! Pasalamat ka nga willing na willing akong masunod 'tong second step, eh! Huwag mo namang gawing pagong ang mga cells mo sa utak! Faster please!"

Inilayo ko ang cellphone ko sa aking tainga. Normal naman ang volume ng phone ko pero nung tumawag si Rhea daig pa ang maximize volume.

Yes, tumawag siya sa akin. For the first time! Tumawag lang siya para itanong kung may naisip na raw ba akong strategy para sa second step at nagulat pa siya ng sabihing kong 'wala pa.' Damn! Si Rhea ba talaga ang kausap ko ngayon?

"Hoy! Magsalita ka naman! Hello? Hello?!"

Napakawala ako ng naiiritang paghinga. "Be patient, Rhea. Hindi madali ang step na 'to at-"

"Wala akong pakialam! Bilisan mong mag-isip dyan!" pagtapos ay binagsak bigla ang phone.

I rolled my eyes heavenwards. Marahil ay may kung anong panis na pagkain na nakain ang babaeng 'yon kaya gano'n siya ka-weird sa araw na 'to. Napailing na lamang ako. Inilapag ko sa mesa ang binabasa kong libro about maturity process.

Yes, nagbabasa ako ng ganyang libro para lang makaisip ng paraan para maging mature mag-isip si Rhea. Ang hirap kaya ng ginagawa ko. Todo effort pa nga ako para lang sa kanya tapos kung makapagsalita siya sa phone parang wala akong ginagawang paraan para maging successful ang second step.

Huminga ako ng malalim at napatitig do'n sa libro. Nakita ko lamang iyon sa library ni Papa. Makapal iyon pero hanggang ngayon ay wala akong makitang strategy na eepekto kay Rhea. Kung meron man, sa tingin ko ay mahihirapan si Rhea na i-achieve ang step na 'to.

Step #2 : Act maturely. . .

Maski ako ay napapangiwi sa tuwing maiisip ko si Rhea na ginagawa ang step na 'to. Siguradong mahihirapan siya ng sobra. Hindi ito tulad ng step one na simpleng work out lang an training sa isang buwan.

Hindi ito naaaral sa isang basahan. Ang kailangan rito ay experience. Yung isinasakilos ang mga iniisip. Yung alam an tama sa mali. Wala sa edad ang maturity. Ang maturity ay pamamaraan ng pag-iisip. Yung kahit tempted kang gumawa ng mali , pinipigilan mo dahil alam mo ang tama. Minsan talo pa ng kabataan ang mga nakakatanda pagdating sa maturity.

Muling tumunog ang phone ko. Sinagot ko 'yon muli nang makita ang pangalan ni Rhea.

"Delgadooo!"

Muntik na akong mapamura ng malakas nang sumigaw siyang muli. Makabasag eardrums. Shit!

"Pwede bang huwag kang sumigaw? Hindi ako bingi, okay?"

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now