CHAPTER 14 : ADMISSION AND CONFUSION

160K 2.7K 644
                                    

RHEA POV

Hell. This is what I expect. Daig ko pa ang nakipagbugbugan sa sobrang pananakit ng katawan ko.

Kahit gusto kong manatili sa kama , huwag na lamang pumasok at matulog maghpon ay hindi maaari. Darating si Coby para sunduin ako any minute.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin. Okay na 'to!

Binitbit ko na ang gamit ko at lumabas ng kwarto. Pinilit kong maglakad ng maayos kahit nananakit ang legs ko. Makapag-work out kaya ako ng maayos mamaya sa ganitong kondisyon?

Pagbaba ko sa hagdan, agad akong sinalubong ni Yaya na ngiting-ngiti.

"Buti naman at maaga ka ulit. May naghihintay sayo sa salas."

Nanlaki ang mga mata ko. "Nandyan na siya?!"

Kumunot sandali ang noo ni yaya. Pagtapos ay pilyang ngumiti. "May usapan kayong dalawa,ano?"

Namula ako. Umiwas ako ng tingin kay yaya. Sinundot-sundot niya ang tagiliran ko. "Yaya naman,eh!"

Agad naman siyang tumigil at marahang natawa. "Nagdadalaga na ang alaga ko."

"Ewan ko sayo,ya." nag-pout ako. Ba't ba napapaligiran ako ng mga taong malalakas mang-asar?

"Nasa salas siya,hija." makahulugang tumingin sa akin si yaya bago nagtungo sa kusina.

Hindi na naman ako mapakali. Damn.

Rei, umayos ka na!

Nakita ko siyang nakaupo sa sofa at tinitignan ang mga naka-display na frame sa side table.

"Coby." pagtawag ko sa kanya, agad siyang lumingon at ngumiti nang makita niya ako.

Tumayo siya at bumati. "Hi. Good morning."

"Hello. Ang aga mo,ah. Uhm, k-kumain ka na ba? Sabay ka na sa akin. Hindi pa kasi ako nag-a-almusal,eh." umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.

He smiled sheepishly. "Is that okay with you? I didn't have my breakfast. I won't decline your offer."

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now