CHAPTER 70 : HEADLIGHTS

92.8K 2K 376
                                    

CHAPTER 70 : HEADLIGHTS

RHEA POV

Maganda ang gising ko kinaumagahan. Yakap ko ng mahigpit ang aking unan at nagpagulong-gulong sa kama habang binabasa ang mga text ni Delgado.

Bakulaw : Good morning, beh. I love you.

Bakulaw : Sunduin kita, ah? Sabay tayo pumasok.

Bakulaw : Wala akong naaalala kagabi. Hihi. :')

Sinubsob ko ang aking mukha sa unan sabay kagat sa cover. Ako rin. Walang naaalala. Kunyari.

Nag-reply ako.

Me : K. CORNY. I. . .love you.

Muntik ko na maitapon sa dingding ang cellphone ko. Impit akong tumili sa unan. Nababaliw na ata ako.

Nagreply siya kaagad sa text ko.

Bakulaw : Sweet. Papunta na ako.

Mabilis akong bumangon sabay hila ng tuwalya sa rack at nagtungo agad sa banyo. Para akong timang na pangiti-ngiti habang nagsha-shampoo ng buhok. Sinasabayan pa ng kantang paulit-ulit kong narinig kay Delgado kagabi.

"Tumingin sa'king mata. Magtapat ng nadarama. . ."

Pumikit ako habang dinadama ang pagbagsak ng tubig mula sa shower. Pilit ko mang balewalain yung nangyari kagabi , hindi ko pa rin maalis sa isip ko. Yung unang pagkakataon na hindi ko inalala kung nakakahiya ba ang ginagawa ko. Kahit hindi sigurado, kahit instinct lang ang pinairal ko, nasiguro ko naman sa sarili kong iyon ang gusto kong gawin. I initiated. Walang pagsisisi.

I clearly remembered how we kissed and cuddled each other, Nakalimutan ko yung pride. Nakalimutan kong sadistahin siya. Nakalimutan ko yung dating ako. That was so refreshing. Pinagpasalamat ko na wala siyang sinabi. Hindi niya ako inasar o inalaska. Nakatitig lang siya sa akin habang nakangiti.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin mamaya. Bahala na. Sana lang ay huwag niya talaga banggitin. Nahihiya ako.

Paglabas ko ng banyo ay nalaglag ang panga ko nang makita si Delgado na nakaupo sa gilid ng aking kama at nakatakip ang mga kamay sa kanyang mata.

"Didn't see anything." Sabi niya habang nakangisi. Buti na lang at nag-robe ako. Lumapit ako sa kanya at pinalo siya sa ulo.

"Ba't umakyat ka pa rito? Hindi mo na lang ako hinintay sa baba?"

"Can I open my eyes?" Tanong niya. Napairap ako.

"Oo."

"Woah. Nakahubad ka na ba?"

Binatukan ko ulit siya. "Ga-" nabitin sa ere ang pagmumura ko. "Puro kamanyakan na naman pinapairal mo!" Sigaw ko sa kanya.

Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mata. Matalim na tingin ang sinalubong ko sa kanya. Ngumisi siya at niyakap ako. "Beh!"

Nilapat ko ang aking kamay sa mukha niya at tinulak palayo ang kanyang ulo. "Manyak!"

Tumawa siya. Pilit pa rin akong niyayakap. "Yakap lang, eh."

"Magtigil ka sa kamanyakan mo. Hintayin mo na lang ako sa baba. Kainis ka naman. Nasasanay ka na labas-pasok lang sa kwarto ko."

"Dati ko pa naman 'to ginagawa pero ngayon mo lang ako sinaway."

"Excuse me, dati pa kita sinasaway."

"Ngayon na lang ulit."

"Hindi mo naman sinusunod." Hinampas ko siya sa braso. "Labas na nga!"

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now