CHAPTER 71 : MORE THAN MOST

92.8K 2K 386
                                    

CHAPTER 71 : MORE THAN MOST

RHEA POV

Pakiramdam ko ay maiihi ako sa kaba ngayong nasa harap na namin si Papa. Nakayuko ako at pinaglalaruan ang aking daliri habang nakaupo sa sofa katabi ni Delgado.

Tinatawagan ko ang lahat ng mga santo para iligtas ako sa paparating na delubyo. Baka hindi na ako sikatan ng araw bukas.

Okay. Medyo nagiging OA na ata ang imagination ko. Hindi naman siguro ako bibitayin ni Papa. Baka ibitin niya lang ako ng patiwarik.

Palihim kong tinignan si Delgado. Nakatuwid ang upo na parang sundalo pero ang ngiti ay kasinglaki ng kay McDonald. Mariin akong napapikit. Ba't ba ako nag-boyfriend na parang laging mukhang tanga? Masaya pa ata siya na nahuli kami ni Papa, ah? Siraulo.

Kinagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ako sigurado kung nakita ni Papa yung ginawa namin. Malamang! Nakakainis. Sa daan pa talaga. Bwisit na Delgado. Nanghahawa na nga lang ng kalandian, wrong timing pa!

Nag-iisip ako ng samu't-saring dahilan na pwede kong sabihin kay Papa pero walang valid sa mga 'yon. Magmumukha lang akong timang pag nagdahilan ako. Kung ba't naman kasi naduwag pa ako magsabi nitong mga nakaraang araw. Napakagaling pa ng timing.

"Rhea Louisse." Napatuwid rin ako ng tayo nang marinig ko ang marahang pagbigkas ni Papa sa buong pangalan ko. Footspa. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Dapat talaga akong matakot dahil tinawag niya ako sa full name ko. Mukhang magigisa talaga ako. No choice. Kay Delgado ko na lang ilalabas ang inis ko mamaya - iyon ay kung makakalabas pa kaming dalawa ng buhay.

Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko ang seryosong mukha ni Papa. Napalunok ako.

Bumaling siya kay Delgado. "Lawren."

Huminga ako ng malalim. Masyado namang pa-suspense 'tong ama ko. Mukhang ang ending nito ay mamamatay akong may sakit sa puso.

"Anong meron sa inyong dalawa?"

Tumikhim ako. "Pa, kasi. . .ano po-"

"Kami na po, tito." Putol ni Delgado sa sasabihin ko.

Mabilis akong bumaling sa kanya. Bwisit na 'to! Hindi pa nga ako tapos! Masyado naman siyang straight-forward! Hindi man lang ako hinayaang magbigay ng suspense kay Papa. Pinigilan ko ang sarili kong irapan siya at sikuhin.

Humanda ka talaga mamaya, Delgado. Babawi ako sayo. Babalian ko 'yang katawan mo ng sampung buto.

Tumingin ulit ako kay Papa. Muli akong napalunok. Napatulala siya sa aming dalawa ni Delgado.

"Kayo?" Gagad niya.

"Opo." Sagot muli ni Delgado. Napayuko na lang ako. Bahala ka sumagot mag-isa dyan, bwisit ka.

"Kailan pa?"

"This month lang po."

"Gaano na katagal?"

"Mag-t-two weeks na po, tito."

"Gano'n na katagal?" Mukhang nagulat pa si Papa sa lagay na 'yon. Kumunot ang noo ko. Para yata sa kanya ay twenty years ang two weeks. "Ba't hindi niyo agad pinaalam sa akin?"

Naramdaman ko ang pagbaling sa akin ni Delgado bago siya sumagot. "Nasabi ko na po kina Kuya Roy at Kuya Rex." Aniya.

"Rhea Louisse." Muling tawag sa akin ni Papa.

"Po?" Nakayuko pa rin ako at hindi makatingin. Mas tumindi ang kaba ko kaysa kanina.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?"

"Sorry, Pa. Galit ka?" Do'n ako nag-angat ng ulo. Napakamot ako sa aking kilay. "N-nahihiya ako, eh."

Tinignan ako ng matagal ni Papa. Kinalabit naman ako ni Delgado. Nakasimangot siya nung bumaling ako. "Kinakahiya mo ako?"

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now