CHAPTER 56 : REST DAY

91.6K 1.9K 317
                                    

CHAPTER 56 : REST DAY

RHEA POV

"OMG! You'll gonna buy these for me?" Halos tumalon si Shai nang ituro ko ang isang set ng pambabaeng damit na may tatak ng isang kilala at mamahaling brand. Nasa mall na kami first hour palang ng pagbukas nito at kami yata ang pinakaunang costumer rito sa store na 'to.

Di ba nga, nangako ako sa kanya na mag-sho-shopping kami at sagot ko ang pang-shopping namin? Buti na lang at good mood sina Papa at dalawa kong Kuya, nahingian ko sila ng pera. Mukhang tuwang-tuwa pa ang tatlo nang magpaalam akong mag-sha-shopping kasama si Shai. Binigay sa akin ni Papa ang extension card niya at si Kuya Roy naman ay yung atm niya, binigay pa sa akin ang password. Pero si Kuya Rex ang pinakamalupit, binigay sa akin ang buong wallet niya na tila walang pakialam kung maubos ko iyon.

Kung alam ko lang na magiging ganito sila ka-generous kapag naging model ako, sana dati ko pa 'yon ginawa!

Napatingin ako kay Shai na halos magningning ang mata, parang may stars talaga na lumalabas ro'n habang nakatitig siya sa manequin na suot yung isang set ng damit pambabae. Meron pang purse at stilleto sa baba. Pati accessory ay nando'n. Inisa-isa ko ang tag price at. . .holy mother of tag price! Mukha ngang mauubos ko ang pera nila Daddy!

Napalunok ako sa presyo. Ang mahal naman. Pwede na akong magkaro'n ng lifetime supply ng nutella sa isang set ng damit na 'to. Lol. Okay, medyo may pagka-OA ako sa price pero namamahalan talaga ako. Gusto ko sanang sabihin kay Shai na sa ibang botique na lang kami kaya lang naglalaway na ata siya sa damit na 'yon at halos sambahin na niya. What's with that piece of cloth? Matatanggap ko sana ang presyong 'yon kung gawa iyon sa ginto at pwede isanla sa pawnshop pag nagsawa akong istuot. Pero hindi iyon gano'n at walang treasure 'yon sa loob kaya hindi ko maintindihan. What's with the brand ba?

OKAY. masyado na ata akong nagiging KJ. Naisip kong meron kayang mga fashionista na hindi gumagastos ng ganito kamahal?

Argh, Rhea! Cut it out!

Tumingin muli ako kay Shai na sinisipat na ang tela nung damit. Katawa rin 'tong isang 'to. Kung haplusin yung tela parang balahibo lang ng aso. Huminga ako ng malalim. Kidding aside, gusto ko talaga siyang bilhan ng damit na gusto niya. Pasasalamat ko na rin kasi hindi ko mapapagtagumpayan ang step na 'to kung hindi dahil sa mga magical advice and words of wisdom niya. Napakarami niyang naituro sa akin at ito lang ang alam kong paraan para makabawi sa kanya. Kaya kung gusto niya talaga ang mga damit na 'to, maliit na halaga lang 'to kumpara sa mga natutunan ko sa kanya.

Joke! Hindi kaya 'yon maliit na halaga! Libo-libo kaya 'yon! Hello?

Napakamot na lang ako sa aking kilay. Siguro naman maiintindihan ako ni Papa kung sakaling magbawasan ng malaking halaga ang extension card niya? Papakita ko na lang yung resibo ng mga mabibili namin ngayon.

"OMG! Ang ganda talaga nito!" Shai shrieked. Lumingon siya sa akin ng nakakagat ang labi. "Hmm, you don't have to buy me clothes na ganito kamahal. I can buy this on my own. Do'n na lang tayo sa mas mura at do'n mo na lang ako ilibre."

Gusto ko sana siyang yakapin at sabihan ng 'Thank you, Shai! Buti nahalata mong namamahalan ako. Thank you talaga!' Pero dahil may hiya ako sa katawan para sa araw na 'to, hindi ko iyon isinatinig. Nginitian ko siya at marahan akong umiling.

"No. Bibilhin ko 'to. Okay lang naman." Huhu. Ba-bye thousands of money! Hahanda ko na ang aking tainga sa malupit na sermon ng aking ama mamaya!

Niyakap na naman ako ni Shai at tumalon-talon pa ito kaya bahagya rin akong napapatalon. Nagsisitinginan na sa aming direksyon ang mga sales lady.

Binili ko ang set na gusto niya at maging parte na ng kanyang katawan ang paper bag dahil sa higpit ng pagkakahawak niya roon. Walang pakialam kung lukot na ang paperbag. Ang weird niya rin pala minsan.

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now