CHAPTER 29 : ASSURE YOU

114K 2.6K 171
                                    

A/N : Pagod na pagod ako ngayong araw . Tipong gusto ko na lang humilata pag-uwi ko kaninang 7pm. Pero nung nag-log in ako sa wattpad kanina , nakita kong HINDI NA RESTRICTED ANG 10STBAL! HUHU! THANK YOU , LORD!  At eto na nga , kahit pagod, gumawa pa rin ako ng update dahil nagmamakaawa ang mga mahal kong readers. Sorry kung maikli lang. Babawi ako next chapter.

I LOVE YOU ALL! SALAMAT SA SUPORTA!

Same rules : READ BEFORE YOU VOTE. LEAVE SOME COMMENTS IF YOU WANT. DON'T MIND MY ERRORS.

Enjoy this chapter!

-

RHEA POV

"Rhea, this my Auntie Elina. Auntie, si Rhea po. Siya po yung nakwento ko sa inyo."

Isang matamis na ngiti ang binigay sa akin ng ginang. Alanganing ngiti naman ang ibinalik ko sa kanya.

"It's nice to meet you, Rhea." lumapit sa akin ang ginang at nakipag-beso. Tawang pilit lamang ang naisagot ko sa kanya. Palihim kong inapakan ang paa ni Delgado. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Binalewala niya iyon at patay malisyang umakbay sa akin.

Kung wala lang ang tita niya sa harap ko, masisiko ko ng malakas ang sikmura niya.

Nakita ko namang kumislap ang mata ng kanyang tita. "Kayo ba?"

Napanga-nga ako. A-ano raw? Hindi rin sumagot si Delgado ngunit makahulugang ngumiti at nagkibit balikat. Namumuro na sa akin 'tong bwisit na 'to.

Nilagay ko ang kamay ko sa bewang niya. Marahas siyang lumingon sa akin na tila hindi inaasahan ang ginawa ko. Nginitian ko siya ng matamis sabay kurot sa tagiliran niya. Napangiwi siya at mabilis na inalis ang kamay sa balikat ko.

Hah! Hindi niya ako maiisahan dito dahil may tao sa harap namin.

Lumingon muli ako sa ginang na tila amuse na amuse sa aming dalawa ni Delgado.

"So, shall we start?" nakangiting tanong nito. Kumunot ang noo ko at napatingin kay Delgado. Ano na naman 'to?

Hindi ko alam kung bakit nandito kami. Hindi naman niya sinabi sa akin na mayroon kaming pupuntahang tao. Hindi ko nga rin alam kung anong sadya namin rito.

Napalunok ako. 1st day of July. Start ng second step. Hindi kaya. . .

"Ready ka na ba, hija?" muling tanong nito.

"P-po?"

"Di ba at gusto mong matuto kung paano maging beauty queen?"

Muntik ng lumuwa ang aking mata sa narinig. Beauty Queen? Saang lupalop ng kalawakan nagmula ang kalokohang iyon? Hindi pa nga nagsisink-in sa buong pagkatao ko ang pagiging normal na babae, beauty queen pa kaya? Grabe naman!

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon