CHAPTER 6 : DINNER WITH OLD FRIENDS

176K 3.9K 304
                                    

RHEA POV

Goodness! Natawag ko na lahat ng santo. Dinadasalan ko na ang high heels ko. Utang na loob! Huwag naman sana akong matapilok mamaya! Halos buhatin na ako ng mga stylist kanina para lamang maalalayan akong makasakay sa kotse.

Tinapunan ko ng masamang tingin si Annielle Martin. Ang magaling kong bestfriend! Sobrang lawak ng ngiti, pwedeng ihambing sa lawak ng pacific ocean. Bwisit 'to,eh!

Nakita ko siya kanina na nagpipigil ng tawa. Wow naman! Nakakaproud siyang maging bestfriend!

"What? Para saan na naman ang tingin na 'yan?" tanong niya.

Hinubad ko ang high heels ko at itinapat ko sa mukha niya. Napangiwi siya. "Palitan mo 'to!"

"Gosh,Rei! Bagay nga 'yan sa dress mo,eh."

"Aba'y pakialam ko kung bagay sa damit? Nakakamatay 'to!" itinutok ko sa kanya ang heels. Nanlaki naman ang mata niya.

"OA ka na,Rhea Louisse!"

"Hoy! Hindi ako OA! Porke marunong ka magsuot ng ganito! Nakakahiya namang mamatay ako nang dahil sa high heels! Duh!"

"Walang namamatay dyan! Nakuu,Rei! Ba't ka naman mamamatay diyan?" pinanlalakihan na ako ng mata ni Anne. Nilakihan ko rin siya ng mata.

"Pwede! At ako ang kauna-unahan kung saka-sakali! Palitan mo nga 'to! Akin na ang sneakers ko!"

"Kumalma ka nga. Ayan,oh! Nasisira ang make-up mo. Na-s-stress ka-"

"Dahil sa'yo at sa pesteng high heels na 'to!" nanggagalaiting wika ko. Naku! Kung may ibang sapatos lamang akong maisusuot, naitapon ko na 'to.

"Sandali nga lang. Linawin mo nga sa akin." tinitigan ako ni Anne ng mabuti. "Ayaw mo ba ng ayos mo ngayon? Hindi ka ba nagagandahan sa sarili mo? Kasi ako, gandang-ganda ako sayo."

Namula ata pati dulo ng buhok ko. Anak ng tinapa naman! Alam kong maganda ako ngayon. Thanks to the magic of make-up!

"O? Ba't namumula ka? You know what, dapat maging confident ka na and start it from now." hinawakan ni Anne ang mukha ko. Ngumiti siya sa akin ng matamis at marahang pinisil-pisil ang pisngi ko.

"Rei,ang ganda-ganda mo! Huwag ka na nga magalit dyan! You're beautiful tonight! Huwag mong i-stress ang sarili mo. Sayang ang make-over. Ikaw rin."

Napayuko na lamang ako. Confident ako sa sarili ko pero hindi ako confident sa ganda ko.

Inaamin kong nagandahan ako sa sarili ko kanina pero syempre may insecuritiy pa rin na katapat. May bumubulong pa sa akin na 'ngayon lang 'yan!' at syempre lagapak na naman ang confidence ko kapag na-realize ko na may point ang kabilang side ng utak ko.

Kaya lang naman ako nagpapaganda ay dahil sa deal namin ni Delgado. Pero kung ako lang, kahit magdamit pa ako ng sako, okay lang!

Isa lang talaga ang pinaglalaban ko dito. Pride.

Hindi na ako nagsalitang muli. Hinayaan ko na lamang na ngumiti nang ngumiti si Anne.

Ano kayang dadatnan ko sa dinner mamaya? Nandoon na si Papa. Nauna na siya at hinihintay na lamang ako.

Kinakabahan pa rin ako.

Ano kayang sasabihin nila pag nakita na nila ako?

Marerecognize pa rin ba ako ni Coby at Artemis?

Tumingin na lamang ako sa bintana ng kotse. I bit my lower lip. Confidence ng kagandahan, sumanib ka naman sa akin! Now na!

-

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now