CHAPTER 22 : WITH HIM

146K 2.3K 254
                                    

 

RHEA POV

Alam ko na ang pakiramdam ng lumilipad ang utak. Hindi ko mapaliwanag at ma-describe ng malinaw pero ang pakiramdam na 'yon ay sobrang nakaka-alien. Tipong para kang naka-adapt ng unknown virus at bigla kang nag-evolve bilang alien at lumaki ang ulo mo, sa sobrang laki nito ay nilipad ka na tila lobo at napadpad ka sa iba't-ibang planeta. Ang lalim ng description ko. Hindi ko ma-gets. Basta ang alam ko lang ay wala ako sa sarili ko. Parang humiwalay ang kaluluwa ko at napunta sa ibang dimension. Nakatingin lang ako sa isang bagay pero iba naman ang tinatakbo ng isip ko. Nababaliw na ata ako.

"Rheaaa!"

"Ay put~" agad akong napahinto sa pagmumura nang makita ko ang masamang tingin ni Anne sa akin. Biglang umatras ang dila ko. Paanong hindi aatras? Eh, anghel 'tong bestfriend ko. Ako naman ay isang hamak lang na tao na minsan minsa'y nag-e-evolve bilang alien. Pag siya ang nasa harap ko, pakiramdam ko ako ang pinakamasamang tao sa mundo.

"Ano yung sasabihin mo?" naningkit ang mga mata ni Anne habang nakamasid sa akin.

"Put. . .put your hands up in the air?" okay. Uwian na. Ang corny. May maidugtong lang, eh.

Hindi niya pinatulan ang sagot ko. Nanatili siyang nakamasid na tila hinahanap kung anong mali sa akin. "Ba't ang tahimik mo ngayon?" bigla niyang tanong.

"Tahimik naman ako, ah." umiwas ako ng tingin at yumupyop sa dining table.

"Tahimik ka kapag may mali sayo or may problema kang iniisip. So, tell me. Alin do'n sa dalawa ang tama?" naghihinalang tanong niya. Nag-pout ako. Wala nga pala akong maitatago sa babaeng 'to. Observant masyado. Hmp.

"Wala. Gutom lang 'to." pakunwari kong sagot.

"Eh, ba't hindi mo pinapansin yung mga pagkain sa mesa?"

Napatingin ako sa aking harapan pagtapos ay agad na napangiwi. Hindi ko napansin ang mga pagkaing ipinahanda ni Anne dahil kanina pa ako wala sa katinuan. Napakamot ako sa aking ulo at umisip ng malupit na palusot.

"Hindi ako gutom."

Kumunot ang noo niya sa aking isinagot."Ang sabi mo kanina gutom lang 'yan tapos ngayon hindi ka gutom? Ano ba talaga?" umupo siya sa tabi ko. Hindi pa rin niya ako nilulubayan ng tingin.

"Wala! Yung totoo, gutom ako!" yun na lang ang nasabi ko sabay hablot nung platong kinalalagyan ng frech fries. Kinuha ko ang cheese powder at iodize salt at binudburan iyon. Kinuha ko rin ang ketchup. Ang dami kong nalagay no'n. Kulang na lang ay malunod ang french fries sa ketchup dahil sa ginawa ko. Sabay dakot at subo. Napangiwi si Anne sa nakita. Hindi ko siya pinansin at nagconcentrate sa pagkain.

"Hinay lang. Walang ibang kakain niyan kundi ikaw. Hindi ka mauubusan." nakangiwing sabi ni Anne.

Biglang nag-pop out sa isip ko ang note at list ni Shai. Nang laki ang mga mata ko at naibuga ng wala sa oras ang aking kinakain. Sunud-sunod na ubo ang ginawa ko dahil tila may nagbarang pagkain sa lalamunan ko. Ano ba naman 'yan!

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon