CHAPTER 39 : RESULT

91.4K 1.9K 54
                                    

RHEA POV

Iyak ako ng iyak kagabi. Basang-basa ang unan ko . Walang kwenta ang pag-aayos ko dahil humulas ang make-up ko. Buti na lang at walang nagtangkang pumasok sa kwarto ko maliban kay Anne. Itinaboy ko siya dahil ayokong makita niya akong umiiyak. Sobrang nanghina ako sa nangyari . Siguro naging abala sila Papa at Kuya sa pag-aasikaso ng mga bisita kaya hindi na nila ako napag-abalahang hanapin at pinagpasalamat ko 'yon . Ayokong makita nila akong umiiyak na parang tanga at wala akong masasabing dahilan kung bakit ako umiiyak . 

Shit ka kasi , Rhea! Sobrang labo mo!

Hindi ko talaga alam kung anong nangyari pagtapos kong sagutin ang huling tanong ni Ren. Shit! Hindi ko alam kung iyon ba talaga dapat na isagot. Alam kong mali pero , pakshet, ano bang tama?

Walang tayo. . .

Huminga ako ng malalim. Pakshet ka , Rhea! Kailan ka pa ulit naging iyakin? Ang blaka mo!

Pinilit kong tumayo kahit nanlalata pa rin ako. Literal akong nanghina sa sinabi ni Delgado kagabi. Alam mo yung feeling na para kang mahihimatay? Shit talaga.

Napaiyak ulit ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Ang pangit pangit ko.  Nakadress nga ako pero pangit pa rin ako. Sayang lang yung pagapapa-home service ko. Nag-effort na naman ako pero walang napuntahan.

Inayos ko ang aking sarili. Hindi ko alam kung paano ko mapapaimpis ang pamamaga ng mga mata ko. Tama bang idahilan ko na kinagat ng ipis ang mata ko? Maniniwala kaya sila? Malamang , hindi! Wala namang ipis dito sa amin.

Ano na ? Paano na 'to ngayon? Ano bang dahilan ng pag-iyak ko? Bakit ako nasaktan kagabi? Masyado ba akong dense? In denial sa sarili kong nararamdaman? Eh , pakshet, ano ba kasing meron sa damdamin ko ? Ba't ako nasasaktan? Shit!

Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na ako. Iniiisip ko kung lalabas pa ba ako ng kwarto. Kahit gusto kong magmukmok dito buong araw , hindi pwede. Mapapansin iyon agad nila Papa at Kuya . Sigurado akong magtataka yung mga iyon. 

Rhea, fix yourself! Kasalanan mo 'yan! Tiisin mo yung sakit. Paskshet ka , eh! 

Okay. Hingang malalim ulit. Normal pa kaya kami ni Delgado? Alam kong sobrang weird namin , ang tanong ko ay magiging gano'n pa ba kami? Pagtapos ng nangyari kagabi , pwede pa ba kaming maging gano'n? Paranga malabo na rin . Ewan . Bahala na mamaya.

Ano kayang magandang gawin ngayon ? Tawagan ko kaya si Anne. May kasalanan nga pala ako sa bestfriend ko. Tinaboy ko siya kagabi . Baka nagalit iyon sa akin . O baka naman inisip niya na galit ako sa kanya.  Ang tanga naman kasi. Masyado akong naging madrama kagabi. Kailan pa ako naging drama queen? Tss. 

Napatingin ako sa orasan . Masyado pang maaga para pumasok pero nagbihis ako agad. Kailangan kong pumasok kahit tinatamad na naman ako. Kailangan kong mag-sorry sa bestfriend ko. 

Nagtagal ako sa banyo. Halata pa rin ang pamamaga ng mga mata ko pero at least, hindi na kasing maga ng kanina. Ang pangit ko talaga! Nakakainis. Naiinis ako sa sarili kong mukha. Pa-retoke kaya ako? Joke. Wala akong pera. Kailan kaya babalik si Shai? Baka maremedyuhan niya ang nakakainis kong mukha.

Tulog pa ang mga tao sa bahay ng pumasok ako. Buti na lang . Mabuti na rin yung hindi nila nakita na ganito ako dahil baka mag-ala-imbestigador ang Kuya at Papa ko. Sobrang protective pa naman ng mga 'yon. Lalo na si Kuya. Kaya bago pa ako maging hot topic , umalis na ako ng bahay. Kahit kumakalam ang sikmura ko , hindi na ako nag-breakfast. Sa cafeteria na lang ako akain.

Tulad ng inaasahan ko , isa ako sa early students. Wala pang masyadong tao. Tinext ko si Anne at sinabi kong magkita kami sa cafeteria.  Sinamantala ko na kumain habang naghihintay sa kanya. After 20 minutes dumating siya, Halata sa mukha niya ang pag-aalala at kaba. 

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now