CHAPTER 2 : HER PUNISHMENT

245K 4.9K 605
                                    

Chapter 2

RHEA POV

"Anong ginagawa mo dito?" Nag-ala megaphone ang boses ko ng makilala ang unang taong nadatnan ko sa classroom.

"Ang aga-aga, ang ingay mo." Humikab pa siya at patamad akong tinignan.

Napatitig ako kay Ren Delgado ng matagal. Anong ginagawa ng bakulaw na 'to sa classroom namin? Sa All-Boys Department siya naka-enroll, ah? Paano naman siya napunta sa Regular Department?

"Hoy! Tinatanong kita!" Buti wala pang tao rito sa classroom kundi kaming dalawa lang. Nag-effort akong pumasok ng maaga para makakopya ng assignment kay Anne. Hindi naman si Anne ang unang nadatnan ko kundi itong bakulaw na 'to!

He smirked. Ayan na naman ang ngiti niyang nagpapainis ng sobra sa akin.

"Nice. Ganda ng uniform, ah."

Namula ang mukha ko. Sinuot ko nga pala ang bagong uniform ng department namin. Nagsisisi na ako na nagpauto ako kay Anne. Shit!

"O ba't ka namumula? Sa uniform naman ako nagandahan, eh. Hindi sayo."

Mas lalo akong namula sa hiya. "Tangina mo, ah! Ang aga-aga, sinisira mo araw ko! Ano bang ginagawa mo rito sa RD? Bumalik ka na nga sa lungga mo!"

"Well, sad to say. Dito na ang bagong classroom ko." Patamad niyang sagot.

Umawang ang bibig ko. "What?"

"Pinalipat ako ni Dad dito, eh. May magagawa pa ba ako?"

"No way! Ibig sabihin classmate na kita?" No! Hindi pwede! Hindi ako makakapayag! Araw-araw kong makikita ang kumag na 'to? Ibig sabihin lang no'n ay araw-araw ring sira ang mood ko

Tumango siya. Lalo akong nag-ngitngit sa inis.

Kung totoo ngang magiging classmate ko siya, baka sumabog 'tong classroom namin dahil paniguradong araw-araw kaming magbabangayan!

"Magpalipat ka ng ibang section!"

"Ayoko nga." Tila nang-aasar pa siya. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Bakit ayaw mo?"

"Gusto ko dito. Maaasar kita."

"Pakyu ka!" Akmang susuntukin ko siya pero agad siyang nakailag.

"Ayan ka na naman. Daig mo pa bully, ha."

"Ulol! Isa kang malaking pambwisit!"

"Yeah, right. Iyon ang role ko sa buhay mo, eh. Ang bwisitan ka." Then, he chuckled. "Oo nga pala. Yung prize ko sa pustahan natin kahapon. Huwag mo kalimutan 'yon."

Lalong uminit ang ulo ko. Kung di lang talaga masamang pumatay, kanina ko pa kinatay 'tong si Delgado.

"Ano na naman? Magpapalibre ka ulit? Huwag kang mag-aalala. Hindi ako dukha. Bilhan pa kita ng building, eh. Sasapak ko ng buo 'yon sa lalamunan mo." Inirapan ko siya.

"Nah. I have other things in mind. Sawang-sawa na ako sa libre."

"Gago. Dami mong alam.Tabi nga dyan!" Inilagay ko ang bag ko sa upuan. Napansin kong nakalagay ang bag niya sa katabing upuan. Pinanlisikan ko siya ng mata.

"Don't tell me tatabi ka sa akin?"

"Malay ko bang dyan ka nakaupo? Gusto ko dito sa bintana, eh."

"Lumipat ka!"

"Ayoko nga."

"Isa!"

"You can't make me." Humalukipkip siya.

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now