CHAPTER 12 : THE IMPOSSIBLE SIDE

151K 2.8K 404
                                    

RHEA POV

"Wake up,Rhea." may malakas na tumatapik sa aking pisngi. I moaned. Iniwas ko ang aking mukha at sumubsob sa unan.

"Go away. . ." I mumured.

"No. Wake up or I'll rape you."

Rape? Geez. Rape lang pala-

Napadilat ako ng mata nang wala sa oras at agad na napabangon. "Rape! Rape!"

Nagpalingon-lingon ako. And there, I saw the evil rapist -este ang number one na pumipeste sa buhay ko. Lawrence Delgado. Nakapamulsa at nakatunghay sa akin.

Napasinghap ako.

Anong ginagawa niya dito sa kwarto ko?!

Akmang sisigaw ako ng malakas ngunit mabilis niyang tinakpan ang bibig ko. Mukhang nabasa niya ang balak ko.

"Huwag ka ngang sumigaw. Wala akong balak gawin sayo,no."

Marahas kong tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko. Humihingal pa ako. Paano ba naman? Pati ilong ko, tinakpan! Dambuhalang kamay!

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Sinusundo ka."

Sinusundo? Napatingin ako sa orasan. Six palang ng umaga!

"Hoy! Hindi mo ba alam kung anong oras palang?! Six palang,oh! Six palang! Inistorbo mo ang pagtulog ko!" nanggagalaiti kong sigaw.

Parang wala naman siyang narinig at inabot ang robe at towel na nakasabit sa rack.

"Maligo ka na."

Napanga-nga ako. Napaka-imposible ng taong 'to! Ang kapal naman ng mukha niyang utusan ako sa sarili kong pamamahay.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko siya sinunod. Humiga akong muli at sumubsob sa unan. Matutulog pa ako. Meron pa akong 45 minutes.

Bigla akong umangat sa kama . Napadilat na naman ako. Binuhat ako ni Delgado na parang panindang baboy. Sumigaw ako at pinagpupukpok ang kanyang likod.

"Pwede ba?! Ibaba mo nga ako!"

Hindi niya ako pinakinggan. "No. Papaliguan kita."

Napasinghap ako. I bet, nakangisi na naman siya ng nakakaloko. Hudas talaga!

"Ibaba mo ako! Maliligo akong mag-isa!" pinadyak ko ang king mga paa.Success! Napilitan siyang ibaba ako.

"Bilisan mo. I'll wait outside." kalmado pa talaga siya?

"Lumayas ka na nga! Di ba sinabi ko na si Coby ang maghahatid sa akin sa academy?! Ba't nandito ka?"

Humalukipkip siya. "Pakialam mo ba? Eh sa gusto kitang bwisitin ng maaga. May magagawa ka ba?" ayan na naman ang pang-inis na ngisi niya. Nangangati ang akong ibato lahat ng bagay na mahahawakan ko sa pagmumukha niya.

"Asshole." I hissed.

"O ano? Maliligo ka ba o ako ang magpapaligo sayo?"

"Ewan ko sayo! Lumabas ka na!" tinulak ko siya palabas ng banyo. Agad kong sinarado ang pinto.

Pambwisit naman talaga,oh! Ang aga-aga,eh!

-

Napilitan akong maligo kahit antok na antok pa ako. Kung pwede nga lang matulog dito sa banyo,eh. Hindi naman ako komportable. No choice. Naligo na lamang ako.

Paglabas ko ng banyo, lumuwa ang mata ko nang makita si Delgado na hinahalukay ang wardrobe ko.

"Hoy! A-anong ginagawa mo dyan?!" mabilis akong lumapit para kunin sa kanya ang mga damit ko na hawak-hawak niya. Pakialamero!

10 Steps To Be A LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon