CHAPTER 52 : THE JUDGES AND THE AUDIENCE

105K 2.1K 270
                                    

RHEA POV

Bakit kaya hindi natin kayang i-identify kung ano ang ibig sabihin ng love?

On second thought, baka ako lang ang hindi nakakaintindi. Kasi hindi ako normal na babae. Hindi ako yung tipong mahilig sa cheesy lines. Hindi ako mahilig sa banatan. Anag alam kong meaning na banat ay literal na suntukan. Hindi ako mahilig sa romantic scenes. Gusto ko bugbugan. Ayoko sa mga melodrama. Gusto ko yung action na may mamamatay sa mga bida. Hindi ako mahilig sa happy endings. Mas prefer ko ang tragic. Naging fan ako ni Barbie pero never akong nahumaling sa mga kwentong mala-prinsesa ang dating. Loyal ako sa cartoon network at hindi ako nahilig sa Disney channel kung saan nagbubuhay sila Cinderella, Bella, Snow white at ang pitong unano niya. Malay ko kung ilan na ang prinsesa ngayon sa bwiset na Disney na 'yan.

Ang dami kong tanong. Yung klase ng mga tanong na maaaring pangkaraniwan lang sa ibang babae. Bakit ba may love? Bakit nauso ang ligaw? Bakit ang daming arte ni Kupido? Bakit hindi ko alam kung in love ba ako o hindi? Kung oo ang sagot, kanino? Bakit ang dami kong tanong? Bakit ang bobo ko sa ganito?

Iniisip ko tuloy kung natural lang ba 'to sa isang babaeng confused pa sa gender preference niya. Ako lang ba yung babae na nakaramdam na ganito? Yung tipong feeling ko sobrang astig ko pero nung may umamin na , parang biglang bumaliktad ang mundo sa sobrang pagkalito?

Ako yung tipo ng babae na wala sa bokabularyo ang salitang love pero bakit ganito? Bakit nalilito ako? Bakit pakiramdam ko kailangan kong pumili sa dalawang lalaki na iba ang ginagampanang role sa magulo kong mundo?

"Ano ba? Hindi pa nga ako tapos sa Step Three may dagdag stress na naman?" Pagulong-gulong ako sa kama . Hindi ako makatulog.

Ganito ba ang feeling ng mga babae pag may gustong manligaw sa kanila for the first time? Yung tipong ang bongga ng regalo tapos hindi mo alam kung papayag ka o tatanggihan mo na lang?

"Bwisit naman kasi. Bakit kasi may tanong pa? Hindi na lang manligaw ng diretso. Eh, si Delgado nga , nakailang tsansing na kahit hindi kami." Agad ko namang binawi ang sinabi ko. "Ay! Oo nga pala. Iba kasi si Coby. Si Coby , gentleman. Si Delgado - bakulaw na, manyak pa. Si Coby , may effort na eleven gifts. Si Delgado , may pambwisit na ten steps."

Sandali akong tumigil sa pagpapagulong-gulong sa kama. Niyakap ko ng mahigpit ang bear na binigay sa akin ni Coby.

"Hoy, bear. Rhea Louisse ka rin , di ba? Confuse ka rin ba?" wala sa sarili kong tanong . Napabuntong hininga ako. Nasisiraan na ata ako ng bait rito.

Nakaidlip ako pero hindi sapat ang tulog na aking nakuha. Kaya naman kinabukasan , pupungas-pungas akong bumaba ng hagdan. Ihahanda ko na ang sarili ko sa matinding semon ni Shai pag nakita niya ang eyebags ko.

Panay ang silip ko sa aking phone. Kung may text roon si Coby o si Delgado.

"Ang aga mo ata ngayon?" salubong sa akin ni Yaya Martha nang makapasok ako sa kusina.

"Good morning , Ya. Anong breakfast?"

"Nandyan na sa mesa, Kumain ka na."

Umupo ako sa mesa at tinignan ang mga pagkaing nakahain. Nakapagtataka na hindi ako natatakam ngayon.

"Paborito mo ang mga 'yan , ah? Huwag mo sabihing titigan mo lang ang mga hinain ko para sayo?" sermon ni Yaya. Napilitan akong kumuha ng garlic bread at bacon.

"Ang konti naman ata nyan? Nag-d-diet ka na ba talaga?" puna pa ni Yaya.

Ngumisi ako . "Halata na ba ang pag-d-diet ko? Hindi na ba not-so-obvious-diet?"

"Jusme ka namang bata ka! Ano bang mapapala mo sa pag-d-diet mo? Ang payat mo na nga. Para ka nang ting-ting tapos naiisipan mo pang mag-diet. Nag-g-gym ka na , di ba? Okay na 'yon. Hindi mo na kailangang tipirin ang sarili mo sa pagkain. Hindi ka naman modelo para mag-diet." patuloy si Yaya sa pagsesermon at ako naman ay natigilan. Muntik na akong mapamura nang mabanggit ni Yaya ang tungkol sa pagiging modelo.

10 Steps To Be A LadyWhere stories live. Discover now