Chapter 1: Transferee

4.4K 162 9
                                    

CHAPTER 1: TRANSFEREE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 1: TRANSFEREE

* * *

MATEO
Naputol na naman ni king ang sasabihin ko, tsk lagi naman.

Ewan ko ba lagi na lang akong trip ni king, bakla ata.

"Tingin niyo kaano ano kaya ni king yung susunduin natin? First time 'to. Hindi naman siya ganito umasta pag may transferee e." sabi ni ruby.

Tama naman siya e. Ngayon lang umasta si king ng ganito.

Si king kasi yung tipo ng tao na parang wala pakialam sa paligid pero pag kaibigan at kapamilya na niya ang usapan ay talagang gagalaw na siya.

Pero kanina, sinabi pa niyang ingatan at huwag pahahawakan sa iba yung kakaunin namin.

"Mamaya na lang natin alamin tingnan na lang muna natin kung sino yung susunduin natin." tumango na lang kami sa sinabi ni sebastian.

Naglakad na kami papunta sa gate di naman masyadong malayo ang gate, sabi ni supremo ay sa parking lot daw sa loob namin hintayin.

Syempre di naman kami makakalabas sa gate, bawal yun!

Hindi pinapayagan na lumabas ang istudyante dito kung wala naman mahalagang gagawin tsaka malayo sa bahayan ang school na 'to.

May malalaking pader na nakaharang tapos sa tuktok ay may mga kuryente na bakal para hindi makapagcutting at umalis sa academy.

Masyado din maluang ang lupain na ito kaya talagang mahihirapan kang makalabas kung tatangkain mo pang subukan lalo na't napakalupit ng supremo namin.

Maganda naman itong pinapasukan namin dahil kumpleto na ang mga gamit, sa mahal ba namam ng tuition fee.

Dito narin natutulog ang bawat istudyante. May mga dorm naman kasi dito may walong building para sa mga dorm, bakit walo?

Walong building para sa dorm para sa mga istudyante. Tag-iisang building para sa bawat gang, malaki nga lang yung sa rank one, which is dorm namin. Yung pang walong building ay para sa mga walang kasaling grupo o single gangster.

Well, mafaming istudyante dito kahit pa puro college lang kami at walang high school.

"Ang tagal naman oh! Sino ba kasi yun?" inis na bulong ni lucy. Kung si ruby ay mabait si lucy naman ang maldita.

"Wag mainip lucy baka marinig ka ni king bugahan ka nun." biglang sabi ni ruby kaya naman napatawa kami ng mahina. Parang dragon ba naman si king magalit.

"Che! Ikaw ang marinig nun eh." ayan na naman po sila. Kambal ang dalawang yan pero di magkasundo lagi na lang nag-aasaran.

"Aba't! Umayos ka ate mo ako lucy!" sabi nga nila ang mabait ay huwag galitan baka bugahan ka ng apoy.

"Duh! Ilang minuto lang naman tanda mo sa akin."

Sasagot pa sana si ruby ng may pumasok sa gate na kotseng lamborghini na galaxy ang design. Shit ang ganda!

"OMG! Dream car!" tili ni lucy nang makita ang kotseng pumarada ngayon sa VIP parking lot!

"VIP?!" gulat na usal ko. Iilan lang ang nandun na sasakyan isa na kay supremo na katabi ng pinarkingan nitong galaxy car.

Maya maya pa ay nakita namin na bumukas ito at lumabas ang isang boots na mataas.

Tingin ko ay babae ito sa paa palang eh halata na!

Nang tuluyan ng nakalabas ang driver ng sasakyan, dream car namin ay napakagandang dyosa ang aming nakita.

Black ang buhok nito pero purple ang dulo. Magandang hugis ng mukha, makakapal na pilik mata, mapupula ang mga labi, rosie cheek, at may makinis na kutis grabe ang puti niya natalo pa si king.

"Hi?" bati nito na siyang nakapagpabalik sa amin. Shit kanina pa pala kami nakatulala!

"O-oh hello" Utal na bati ni ruby.

"I'm Beatrice, transferee." pakilala nito. Nagkatinginan kaming apat na para bang iisa lang ang nasa isip.

Siya yung sinasabi ni king. Kaya naman pala eh ang ganda ng transferee.

"Ikaw pala yung pinakakaun ni supremo. Tara dadalhin ka muna namin sa headmaster office bago kay supremo." tumango na lang ito bago ngumiti.

Kinuha naman namin ang gamit niya, dalawang maleta lang naman kaya kaming dalawa na lang ni sebastian ang nagbuhat.

Habang ang dalawang babae ay pinaggitnaan si beatrice at kinulit.

Naglalakad palang kami papunta sa headmaster ay napapatingin sa amin ang mga istudyanteng naglalakad-lakad dahil lunes ngayon ay may mga istudyante na. Saktong recess na kaya naman pagala-gala sila  ngayon.

Rinig ko ang mga bulungan nila lalo na ang kasama namin ang pinag-uusapan nila. Parang wala naman pakialam si beatrice sa mga pinagsasabi dahil nakatutok lang ito sa daan at sa pakikinig sa dalawang madaldal.

"Transferee?"

"Sana all! Kinaun pa ng golden snake"

"ang ganda niya tol ano?"

"Oo nga! Sino kaya yan?"

"Gusto ko sanang lapitan kaso may kasamang golden snake, baka mapaaway pa ako"

Dapat lang! Malalagot sila kay king pagsinubukan nilang lapitan ang kasama namin o hawakan man lang.

Di man namin alam kung kaano-ano siya ni supremo ay iingatan na namin agad baka kami pa ang pagalitan ni king.

"Come in." iyon agad ang narinig namin pagkatapos kumatok ni ruby. Pumasok na kami sa loob nang makita ni HM ang kasama namin ay lumaki ang ngiti nito na para bang kilala niya ang nasa harapan namin.

"Welcome to the academy young lady beatrice." sabay yuko ng kunti. Pagtataka ang makikita sa mukha namin ngayon.

"Thank you Headmaster."

"Pumunta ka na lang kay steven nasa kanya na ang schedule mo pati na rin ang magiging dorm mo siya na ang bahala." tumango naman si headmaster.

Ang headmaster ay lolo ni supremo o king. Sila ang may-ari ng paaralan na ito kaya naman ginagalang talaga namin si supremo.

"Take care hija, alam mo naman kung anong paaralan ito." nakita naming tumango lang si beatrice.

Naglakad na ulit kami papunta naman sa office ni supremo. Di naman yun malayo dahil tatlong room lang ang layo sa headmaster office.

Kumatok si ruby bago binuksan para alam ni king na may papasok. Ayaw din kasi niya na basta basta na lang papasok ng di kumakatok.

"King nandito na siya." anunsyo ni sebastian. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakita na ngumiti si king at halata sa mukha na masaya siya sa nakikita.

Tumingin ito sa amin. "pakidala ng mga gamit niya sa dorm natin."

"Sa building natin at as in sa last floor talaga kung saan nandun ang mga royal?" gulat na tanong ni Lucy.

Tumango lang naman si supremo at pinalabas na kami maliban kay beatrice, may pag-uusapan pa ata sila.

"Kyahhh magiging kadorm natin siya." tili ni lucy. Kanina lang ay inis na siya dahil sa inip pero ngayon ay tuwang tuwa.

"Kaya nga! Tara na boys dalhin na natin yan." sabi ni ruby bago nila kami hinila papunta sa golden snake building.

VOTE AND COMMENT✨🖤

Flame Academy (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon