Special Chapter

2.3K 86 20
                                    

A/n: Hello guys.. Namiss niyo ba sila Steven and Beatrice? If yes here is it special chapter for all of you

BEATRICE
Napangiti at napahawakan ako sa malaking umbok kong tyan ng biglang may sumipa dito.

"I'm so excited to see the both of you babies. So please wag niyo ako pahirapan, okay?" nakangiting sambit ko habang hinahaplos ito.

Napangiti ako lalo ng sumipa ito na para bang sumasagot sila sa akin.

"Hey, girls." bati ko kila ruby.

Nandito sila ngayon dahil naisipan nilang dumalaw sa aming mag-asawa saktong linggo naman at mga wala silang trabaho ngayon.

"Omg! Queen ang laki laki talaga ng tyan mo–aray ko naman ate!" masamang tingin ang ipinukol ni Lucy kay ruby ng bigla siyang batukan pero ang isa naman ay nakataas lang ang kilay.

"Kambal yan di ba kaya paanong hindi malaki huh? Sagutin mo nga." natawa na lang kami ni mitch sa dalawa.

Lumapit si mitch. "Ate hindi ka ba nagtataka kong bakit nagkabaliktad ang dalawa, look dati naman hindi nagpapatalo si ate Lucy kay ate ruby pero ngayon ang bilis sumako." manghang sambit ni mitch na siyang tinanguan ko naman.

Simula ng maging sila ni sebastian ay bumait na si Lucy ngunit minsan parin talaga ay hindi niya maiiwasan ang magtaray pero pag si ruby na ang kalaban nagiging bata ito.

"ATEEEEEEE!" Napapikit at napatingin kami sa pinto ng mansion nang biglang may sumigaw mula dun.

Nakasimangot at malapit ng umiyak na Benelyn ang sumalubong sa amin habang nakabuntot sa likod nito si Chad na may namumulang mukha habang nakaakbay sa kanila ang mga lalaki

Tumingin ako kay Steven ng nagtataka ngunit ngumiti at nakibit-balikat lang ito sa akin bago umupo sa tabi ko.

"Ano na naman ang ginawa niyo kay benelyn?" mataray na tanong ni Lucy.

Nagkatinginan ang mga lalaki at sabay sabay na nagsingisian.

"Ouch! Baby masakit.." daing ni Steven ng kurutin ko ang bewang niya.

"Anong ginawa niyo sa kapatid ko?" pinandilatan ko sila ng mata. Nagsilunukan ang mga ito at sabay sabay na itinuro si Chad.

"Chad?" tawag ko.

Lunok ito at kamot batok na tumingin sa akin. "Hehe ate ano po kasi.. N-ninakawan ko siya ng h-halik." nanlaki ang mata ko at masamang tingin ang ipinukol sa mga matatandang lalaki na ito.

"Why did you do that Chad?" seryoso kong tanong.

Itinuro nito si mateo at ronald. "Sabi po kasi ni kuya mateo halikan ko daw yung babaeng nakatalikod e hindi ko naman po alam na si benelyn yun, kaya ayun po nangyari." nahihiyang paliwanag nito.

Nanlisik ang mata ko at sesermonan na dapat sila ng bigla sumakit ang tiyan ko. Tumingin ako sa baba ko at nanlaki ang mata ng biglang may tubig na tumutulo sa hita ko.

"AHHHH!" daing ko. Sabay sabay silang napatingin sa akin at bumaba ito sa hita ko. Nanlaki ang mata nila at tarantang napatayo.

"Omg! Manganganak na si ate." biglang sigaw ni benelyn.

Mabilis akong inalalayan ni Steven "Benelyn kunin mo sa kwarto yung gamit ng baby, sebatian yung kotse ihanda niyo na, dalian niyo!" utos niya na mabilis naman na sinunod ng mga ito.

Maingat akong binuhat at isinakay ni Steven sa kotse kasunod ng iba at pinaandar agad ito patungo sa ospital.

"Ahhhh!" napakapit ako ng mahigpit sa kamay ni Steven.

Flame Academy (COMPLETED) Where stories live. Discover now