Chapter 33: Mission Accomplished

1.5K 63 0
                                    

CHAPTER 33: MISSION ACCOMPLISHED

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 33: MISSION ACCOMPLISHED

* * *

BEATRICE
Nandito ako sa harap ng laptop at walang tigil na hinahack ang system ng isang building.

Napangisi ako nang mapasok ko ng walang kahirap hirap ang mga system nila, mga bobo hindi man lang hinigpitan o binantayan ang mga files nila, tsk.

A/n: hey, sorry sa mga word huh nasanay lang.

Gotcha!

Mabilis kong ipinakita kay sebastian ang hawak kong laptop para siya ang magbantay sa mga cctv at maging guide namin.

"Seb, guide us later." tumango lang siya bago pinag-aralan din ang mga cctv sa harap ng laptop.

Dahil nga hacker din siya ay alam kung mas madali niya kaming matutulungan para sa mission mamaya habang sila ruby naman ay isasama namin para may back up kami kung magkagipitan man.

6:00 evening, nang makita ko ang oras ay nagpunta agad ako sa kwarto para magbihis na at makaalis agad kami at matapos agad.

Ngumisi ako ng pasadahan ko ng tingin ang buong ayos ko, itim na damit, jeans, boots, at ang maskara ko na nagpapatunay kung anong pagkakilanlan ko sa organisasyon o sa underground.

Ngumiti ako kay Steven ng bigla niyang iyapos ang braso niya sa bewang ko. Nagkatinginan kami sa harap ng salamin.

Mula dun ay kitang kita ko ang pagngisi niya ng nakakakilabot, kilabot hindi dahil sa takot kundi dahil sa pagtaas ng balahibo ko sa batok.

Ang ngisi nito ay nagpapakita ng may gagawin itong kalokohan.

Mabilis akong lumayo at sinamaan siya ng tingin.

"Chillax ka lang baby, nagbibiro lang." nakataas na kamay nitong sabi.

Napairap na lang ako bago nagpaunang lumabas ng kwarto namin dito sa hideout.

"Queen, handa na ang lahat ng kailangan. Nakaayos na rin ang sasakyan, ito nga pala ang earpiece mo queen." tumango ako sabay abot ng earpiece na inaabot niya.

Kulay itim ito na maliit. Hindi mo siya mapapansin agad kung nasa malayo ka kaya napaka useful nito lalo na't ito ang connection namin mula sa mga hacker ng grupo.

* * *

THIRD PERSON POINT OF VIEW

"Queen Bea, sa front door may apat na bantay habang sa back door ay dalawa..."

Tumango tango si bea bago tumingin sa grupo at sumenyas.

Flame Academy (COMPLETED) Where stories live. Discover now