Chapter 15: Sportfest

2.4K 102 4
                                    

CHAPTER 15: SPORTFEST

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 15: SPORTFEST

* * *

"CONGRATS BOYS!" sabay sabay na sabi naming mga golden snake dragon ng manalo sila sa basketball.

"Galing niyo talaga."

"Syempre grapo e" kumunot ang noo ko nang sabihin ni john iyon.

"Anong connect?"

"Wala lang sinasabi ko lang."

Napailing na lang ako ng magsimulang mag-asaran ang dalawa, si john at thea. Member sila ng gang namin, sa ilang linggo 'kong pananatili dito sa academy at makasama sila ay nakilala ko na ang mga ugali nila. Katulad na nga lang ni john na mahangin masyado na akala mo naman ay may bagyo habang si thea naman ang palaging kumukuntra sa lahat nang sasabihin ni john kaya nga palaging may war sa grupo.

"Hi, how's my game?" Ngising saad ni Steven pagkalapit sa akin.

"Good. Congrats! Talikod ka dali pupunasan kita." Sinunod naman agad niya ang sinabi ko. Wala akong paki kung pagtinginan na kami. Tsk! Palagi naman silang ganon kunting galaw lang ay pag- uusapan agad nila.

Hindi ba sila nagsasawa? Aba'y ako ay nagsasawa na. Ayos lang naman sana kung puro positive ngunit wala e may mga bitter parin.

"Ayy! Nandito pa po kami kung naaalala n'yo lang naman huh?!" Natatawang tinapos ko ang pagpupunas kay steven bago niyakap ito at nang-aasar na tumingin kay Carlo. "Ouch! Ibang klase ka talaga queen!" Parang batang aniya.

Nagsihagalpakan kami ng tawa ng makita ang mukha nito. Isa si Carlo sa masasabi kong masarap pagtripan dahil talagang nakakatuwa ang nagiging reaksyon nito.

Isa din ito sa pinakabata sa mga lalaki. Close siya sa amin lalo na sa akin. Kahit na ilang linggo palang ay napalapit na ito sa akin kaya naman parang kapatid ko na ito.

"Hahaha stop na! Girls next na kayo kaya tara na." Sabi ko bago nagsimulang maglakad palipat ng gym, sa volleyball naman.

Oh! Humiwalay nga pala sila steven dahil magpapalit pa sila ng damit sapagkat pawisan sila, baka magkasakit e.

"Boring!" bulong ko ng mahina. Boring ang laro dahil hindi masyadong magaling ang kalaban nila lucy.

"Labas muna ako, pakisabi na lang kay steven paghinanap ako." sabi ko sa isang member ng gang namin bago lumabas ng gym. Hindi naman sa ayaw kong manuod talaga lang ay naboboring ako slash natatamad.

Flame Academy (COMPLETED) Where stories live. Discover now