Chapter 35: Going Back

1.5K 61 0
                                    

CHAPTER 35: GOING BACK

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

CHAPTER 35: GOING BACK

* * *

NANDITO  kami ngayon sa harapan ni lolo habang hinihintay ang pag-uusapan namin. Buti na lang hindi na sila nagtanong kung bakit nagtagal kami sa loob ng dining area kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Beatrice." tumingin ako kay lolo.

"Bakit po?"

"You want to go back?" tumingin ako kay Steven bago tumango kay lolo. Napag-usapan na namin ito kagabi na uuwi kami at gagawin ang plano ko na muntik na naman na hindi matuloy dahil sobrang risky ng plano para sa akin kaya hindi ko agad napapayag si Steven pero sa huli ay nanalo parin ako.

"Yes lolo, but don't worry about me, I have a plan lolo." tumango tango ito.

"So what's your plan?" ngumisi ako bago nagsimulang sabihin ang plano ko.

* * *

Handa na kami sa pag-alis at pag-uwi sa pilipinas. Sana lang mag work ang plano ko, yun na lang ang tanging paraan para malaman ko kung sino ang boss D na tinutukoy nila.

"Are you ready wife?" tanong ni Steven.

Ngumiti lang ako at sumandal sa seat ko dito sa private airplane nila Steven, yung sinakyan nila.

"Yeah, I hope matapos na ang gulong ito."

Hindi na ito nagsalita pero inilagay niya ang ulo ko sa dibdib niya. Hindi naman ako umangal pa lalo na't pagod ako at nais ko pang matulog.

Kahapon kasi matapos namin mag-usap ay sa training room agad ang punta namin lalo na't may tinuturuan kami dun, nainis pa nga ako kahapon.

Bakit?

Kakatapos ko lang sabihin ang plano at ngayon ay papunta na kami sa training room.

Last day na namin ito dahil bukas ay aalis na kami para makapaghanda sa pagsugod ng kalaban sa academy.

Nakatawag na din si Steven at nasabi na niya ang pagsugod kaya alam kong naghahanda na ang mga iyon.

Nasabi ko din kanina kay Steven na sabihin kay headmaster na mag training lang dahil may aktibidad at huwag sabihin ang tunay na dahilan dahil maaaring may traydor sa academy o mas magandang sabihin na meron talaga.

Kaya hangga't maaga ay mas magandang huwag sabihin kahit kanino ang plano maliban sa rank 2 dahil alam namin na hindi ito traydor lalo pa't isang shareholders ang ama nito.

"Kyahh handsome you're here." 

Napapikit ako— i mean kami dahil sa matinis na boses na iyon. Tangina! Nandito na naman tayo.

Napangisi ako nang bigla itong napatigil at nanlaki ang mata nito ng makitang katabi ako ng lalaking sinasabi niyang handsome, si Steven.

Pinasadahan ko siya ng tingin at tumango tango ng mapansin na maayos na ito, ngunit makikita mo parin ang pasa sa mukha lalo na't wala itong maskara.

"Y-you're here too." utal na sabi nito.

Hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang papunta kay bre na ngayon ay nasa isang tabi habang nagsasanay sa paghawak ng spada.

Nandun parin pala siya. Sa tingin ko ay nagustuhan niya ang paggamit nito, kahit naman ako ay mga blade din ang gusto dahil ang tatalas ng mga ito.

"Bre." gulat itong napatingin sa akin at mabilis din na ngumiti.

"Hello po Queen Bea." I smiled.

"Let's fight, duo again." ngumiti siya at sinugod agad ako.

Umiilag ako sa mga tira, syempre ayokong masira ang face ko.

Habang nailag ay humahanap ako ng maaaring ipanglaban sa kaniya ng maalalang may dagger ako sa boots ko na nahaba na pwedeng maging isang katana.

Yumuko ako at mabilis na inabot ito at pinindot ang kulay pula sa hawakan nito, diamond sya.

Nagulat siya ng bigla itong humaba at ipangsangga ko sa tira niya kaya naman ginamit ko iyon para matira siya.

Tama nga ako at naoff guard ko siya. Nakatutok ang katana ko sa leeg niya ng bigla akong mapatingin kay Steven na tinuturoan ang isang lalaki habang pilit siyang kinukulit ni daisy, yung babaeng nakalaban ko.

Tumingin ako kay bre at tumango, sensyales na tapos na laban namin. Kita ko ang pagtingin sa akin nila Lucy  at ng ibang nagtatraining.

Hindi ko na napigilan ang inis ko at mabilis na pinaliit ang katana para bumalik sa pagiging dagger at mabilis itong ibinato sa kinatatayuan nila Steven.

"AHHHH." Tili nito habang si Steven namin ay gulat na napatingin sa akin. Ngumiti lang ako ng matamis kaya naman napapailing na lumapit siya sa akin ngunit may ngiti sa mukha.

"My baby is mad." sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Ayieeee!" tukso ng mga nakakarinig. Chesmosa't chesmoso

"Tsk!" rinig ko ang mahinang pagtawa nito na siyang ikinairap ko lang.

Lumapit kami kay daisy na ngayon ay nakatingin sa pisnge niyang may hiwa. 

"Daisy Francisco." bigkas ko sa buong pangalan niya. Hindi ito makatingin sa mata ko at bakas mo din ang pagkatakot, dapat lang. "Hindi ka parin ba titigil? Pasalamat ka daplis lang ang ginawa ko paano pa kaya kung ideneretso ko talaga, edi patay ka na?" kita ko ang pagkagitla nito pero hindi ko iyon pinansin.

Kailangan niyang magtanda. Hindi na ako natutuwa sa mga pinaggagawa niya lalo na ang hindi pagrespeto sa akin, nakakahiya siya lalo na't anak pa naman siya ng isang boss.

"Ubos na ang pasensya ko sayo ms. Francisco, una hindi mo ako nirespeto bilang Reyna niyo o kahit man lang nakakatanda sayo. Hindi ko maatim na ganyan ang ugali mo, walang respeto at napaka spoiled brat. Anak ka ba talaga ng isang boss? Sorry for my word but I can't handle you anymore. You see this man beside me, he's my husband the one you trying to flint." naluluha itong napatingin sa akin.

"I'm going to talk to your dad about this matter and I hope when I see you again ay hindi ka na ganyan." dagdag ko pa.

After noon ay pinuntahan ko ang daddy niya at kinausap. Humingi naman ng pasensya ito na siyang tinanggap ko naman kahit na anak niya ang may gawa.

Mabait ang magulang nito na siyang ikinatataka ko dahil ibang ibang siya sa mga mommy niya, kabaliktaran ang ugali.

Napailing na lang ako sa isipan bago ipikit ang mga mata at matulog. Mamaya pa naman kasi ang dating namin sa pilipinas kaya mas magandang ipahinga ko na lang muna.


FOLLOW, VOTE AND COMMENT🖤✨

Flame Academy (COMPLETED) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora