Chapter 22: Night Talk With Gang

1.9K 86 1
                                    

CHAPTER 22: NIGHT TALK WITH GANG

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 22: NIGHT TALK WITH GANG

* * *

Nandito kami ngayon sa tabing dagat habang nakapalibot sa isang bonfire. Sa buong bilog namin ay kaming golden snake gang lang ang nandito habang nasa kabilang bilog naman ang gang nila Alexis.

Wala kaming pakialaman kung anong gagawin ng bawat gang kaya walang problema.

"Anong gagawin natin king?" Ronald asked Steven. Lahat ay napatingin sa kanya habang siya naman ay sa akin lang tumingin.

"Ikaw na bahala." bulong niya malapit sa tenga ko. Kinilabutan ako don ah, sa mismong tenga ba naman.

I coughed. "Let's play."

"Anong laro queen?" ngumiti ako I mean ngumisi ako, yung ngising may binabalak.

"Dahil hindi tayo makakapag truth or dare dahil may bonfire sa gitna ay ganito na lang ang gagawin natin. Dare o dare tayo, imbis na gagamit ng bottle ay hindi na tayo gagamit, magsisimula na agad tayo bago sunod sunod na yun." paliwanag ko. "Magsimula tayo kay Ronald." dagdag ko pa bago itinuro si Ronald na nasa tabi ni mitch.

"Wait queen paano kung hindi gawin ang dare?" tanong ng isa sa kagang namin na si Jelo.

"Kita niyo yung mga beer na yun kung sino ang hindi susunod iinumin ang isang bote, deal?" wala silang ibang nagawa kundi tumango dahil nakatingin ako sa kanila ng iba.

"Dare or dare?" napakamot sa noo si Ronald.

"Dare, iisa lang naman kasi yun, Queen."

Natawa kami. "Akoo ang magbibigay ng dare." iba na ito. Ang magdadare kasi ay si ruby kaya naman alam na agad na kalokohan ang idadare nito.

"Pumunta ka dun." sabay turo sa gitna ng gang ng Phoenix at gang namin. "Magsexy dance ka habang nakalip bit." nakangising sambit ni Ruby na ikinalaki ng mata nito.

"Pretty ruby naman. Bakit ganyan ka sa akin?" tawa lang ang isinagot ni ruby kay Ronald na ngayon ay naglalakad na papunta sa gitna at sumayaw.

"YOWNN! ANG LAMBOT NG KATAWAN MO!"

"IBANG KLASE NAMAN OH!"

"ISA PA! ISA PA!"

"HAHAHAHAHA"

Naghagalpakan kami ng tawa matapos gawin ni Ronald iyon.

"Next si mitch naman."

"Ayusin niyo yan, kapatid ko yan." Ani ni mateo.

"Kumanta ka na lang mitch." nagsimula ng kumanta si mitch habang naggiguitara naman si sebastian.

Maganda ang boses niya na hindi ko alam na may ganito palang talento ang batang ito.

Kung itatasya ko ay kasing edad niya lang ang kapatid ko kung nandito yun ngayon.

Hayst namimiss ko na naman siya. Kailan ba kita mahahanap kapatid?

"Galing naman." puri ng ibang myembro ng gang.

"Mateo, halikan mo yung babaeng mahal mo dito." nagkaingay kaming lahat ng magsimulang lumapit ito kay ruby na nasa tabi niya lang at mabilis itong hinalikan sa labi.

"Ayieeee." katyaw ng grupo.

Nagsunod sunod ang pag dare hanggang sa ako na ang idadare ngayon. Hindi ko alam pero iba yung feeling ko sa mga tingin ng mga ito lalo na yung kambal isama mo pa ang mga boyfriend nila.

"Queen, dare namin na maglapdance sa lap ni king." sabi na nga ba eh.

"What the?!" gulat akong napatingin kay Steven na ngayon ay masama na ang tingin kila mateo na natawa lang ngayon.

"Ano na queen?" mapang-asar na tanong ni sebastian.

I sighed. Bahala na kung anong mangyari mamaya. Pumunta ako sa harapan ni Steven at umupo sa lap niya.

"Behave ka lang, hubby huh?" nakatitig lang ito sa akin. Yung titig na malulunod ka. Matiim ang mga tingin nito na para bang hinihintay kung anong sunod kong gagawin.

"GOO QUEEN"

"Tsk!" asik ka bago nagsimulang sumayaw habang nakatitig lang sa kaniya.

"Lower pa queen." sigaw nila.
Napasinghap ako nang maramdam ang baba niya. Jusko! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

Napakurap ako ng makita ang pagdaan ng pagnanasa sa mga mata ni Steven.

Isang saglit pa ay nakatayo na ako habang hawak ni Steven ang kamay ko at naglalakad papunta sa room namin.

Rinig na rinig ko pa ang mga sigaw nila mateo habang natatawa sa amin.

Kasalan nila to eh!

"S-steven.." naiusal ko ng pumangibabaw siya sa akin sa kama.

"Yes baby?" he asked with his husky voice. Napapikit ako ng maramdaman ang paglapat ng labi niya sa leeg ko  pataas sa tenga ko papunta sa may panga ko hanggang sa maabot nito ang labi ko.

Napailing na lang ng hindi ko na nga napigilan ang asawa ko sa nais niya.

Well, Steven is always be Steven.

Flame Academy (COMPLETED) Where stories live. Discover now