Chapter 19: Last Day Of Sportfest

2.1K 92 3
                                    

CHAPTER 19: LAST DAY OF SPORTFEST

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 19: LAST DAY OF SPORTFEST

* * *

BEATRICE
Tatlong araw na ang nakalipas simula ng makausap ko sila mom at malaman na may kapatid ako. Ang pagkawala ng kapatid ko na may connect sa pagkamatay o mas madaling sabihin na pinatay si lola ng isang grupo ng mafia.

Una hindi ko inaasahan na mangyayari yun. Paano ba naman wala naman kaming connect sa mga mafia na yan, yun ang akala ko. Akala ko simple lang ang buhay na meron kami, pero shit men hindi pala ganon dahil may mga natatagong sekreto ang isa isang nabubunyag.

Nagitla ako ng biglang may pumulupot na braso sa bewang ko. Ngumiti ako sa harap ng salamin ng makilala kung sino ito, si Steven sino pa ba.

"Hey, are you ready?"

"Always." ngising sagot ko.

Dahil nga ngayon na ang last day ng Sportfest ay isa kami ni Steven sa representative sa duo fight kung saan kalaban namin ang ibang gang.

Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang suot ko kung ayos na ba o hindi. Baka mamaya ay may kulang na siyang maging problema para matalo kami.

Hindi basta basta ang suot namin dahil may kaniya kaniyang uniform ang bawat gang, katulad na lang ng sa amin na kulay itim habang nay gold na sulat na gangname, position at kung anong last name namin.

Napapangiti na nga lang ako sa tuwing makikita ang parehas naming apilyedo ni Steven.

Del Fierro

Hmm, bagay na bagay sa akin Beatrice Del Fierro.

"HELLO, EVERYONE! GOOD MORNING. ITS OUR LAST SPORTFEST... BEFORE WE START I'LL ASK YOU FIRST, ARE YOU ALL READY?" tanong ng spokeswoman ng school, which is isang istudyante na mula sa last year student.

Kaklase lang namin siya ngunit hindi sa lahat ng klase.

Mabilis na sumagot ang lahat ng Yes except kay Steven at sa mga malalamig diyan.

"Wag na natin patagalin pa, let's welcome the representative of each gang..." nagtawag na siya ng bawat gang. Nakikita ko ay halos nga king and queen ang mga isinali nila  "Red gang Joel and Lia." nice, isa sila sa maaaring makalaban namin kung suswertihen.

Kumunot ang noo ko ng makitang todo rampa ito sa unahan kung maglakad at ang kapal pa ng make up, ano pageant lang ang sasalihan eh?

"Kawawa naman ang mukha niya mamaya kung mapupuruhan, sayang lang ang pagmamake up niya." natatawang sabi ni Lucy sa tabi ko.

Nandito pa kasi kami sa baba ng ring
Yes, may arena dito kung saan madalas maglaban ang mga gangster na may pustahan o ayaan para walang gulo sa labas.

Flame Academy (COMPLETED) Where stories live. Discover now