Chapter 3: Queen Of GS Gang

4.1K 158 10
                                    

CHAPTER 3: QUEEN OF GOLDEN SNAKE GANG

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 3: QUEEN OF GOLDEN SNAKE GANG

* * *

SEBASTIAN
Di parin ako makapaniwala sa nakita namin ni mateo sa office ni supremo. Kaya ba ayaw niyang ipahawak sa iba si bea ay dahil kaniya ito?

Sinong mag-aakala na may ganon palang side si king.

Kahapon nang makita namin silang dalawa ni bea ay malambot ang mukha nito, nakangiti na di namin nakikita.

"Hoy kahapon pa kayong dalawa na nakatulala ah. Ano bang nangyari sa inyong dalawa?" mataray na tanong ni Lucy.

Nagkatinginan kaming dalawa ni mateo bago tumingin sa dalawang nakatayo sa harapan namin habang nakataas ang mga kilay.

Taray ng kambal na ito ah!

"Kahapon nakita namin si king na nakangiti haban–" di natapos ni mateo ang sasabihin ng bigla nalang sumigaw si lucy.

"What? Kailan pa ngumiti si king huh?" parang di makapaniwalang sabi nito.

"Kahapon kas–" ako naman ngayon ang pinutol ang sasabihin.

"Sure ba kayo?" tanong ni ruby.

"Oo n–" kingina!

"Tala–"

"Pwedeng patapusin niyo muna kami?" inis na sabi ko.  Lagi na lang ba naman nila pinuputol, kaya naman paano naman matatapos sabihin yun

"Ito na tatahimik na po" nag-akto pang iziziper ang bibig.

Tch. "Kahapon nga di ba pinagdala kami ni king ng pagkain para sa dalawang tao, ang isa nun ay para kay bea tapos pagkadating namin nakita namin silang ang sweet ng pwesto. Mamaya ka magsalita lucy!" sabi ko nang makita bubuka na naman ang bibig.

"Si king pa ay nakangiti habang nakayap kay bea." tuloy ni mateo kaya naman ang dalawa ay tili ng tili.

Kaingay talaga nila ah. Pasalamat sila soundproof ang mga kwarto dito sa last floor.

Maganda ang dorm namin, dahil maluang ito at may anim na kwarto na may kanya kanyang bathroom. May kitchen, living room.

Yung mga ibang member naman namin ay nasa babang dorm. Malaki naman kasi ang bawat building ng mga gang group lalo na ang building ng dorm ng golden snake, kami yun.

Wala pa ngang ibang natutulog sa ibang kwarto ng building dahil kakaunti palang naman ang memeber namin hundred plus palang.

Baka mamaya ay madagdagan kami dahil may mga transferee naman. Sigurado akong sa amin mapupunta si bea dahil kay king.

Alam kong may namamagitan sa dalawang yun. Halata naman sa tinginan nila eh.

THIRD PERSON
Madaming pakalat-kalat na istudyante ngayon. Bakas sa mga mukha nila ang pananabik dahil ngayon ang salihan sa mga gang group.

Flame Academy (COMPLETED) Where stories live. Discover now