Chapter 32: Mission

1.6K 66 0
                                    

CHAPTER 32: MISSION

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 32: MISSION

* * *

STEVEN
Kaharap ko ngayon si emperor, lolo ni Beatrice. Seryoso ang mukha nito kaya naman hindi ko rin mapigilan na magseryoso.

"Ano kailangan niyo emperor?" I asked.

Hindi ito sumagot ngunit may inabot siyang isang envelope na kulay itim na may nakasulat na black mafia.

Binuksan ko ito at dun ko nakitang puro mga litrato ito at background ng mga taong nasa picture.

Apat na lalaki na habang may isang babae sa gitna. Kumunot ang noo ko ng mapinsin na pamilyar ang mukha ng tatlong tao sa litratong hawak ko.

Yung dalawang lalaki sa gitna pati na rin ang nag iisang babae ay pamilyar sa akin, hindi ko lang maalala kung saan ko ito nakita.

"Ano pong gagawin ko dito?" tanong ko at ibinaba ang litrato sa lamesa.

"Mission. Mamaya ko sasabihin at ipapaliwanag kung anong gagawin niyo." nagtaka ako kung bakit niyo e iisa lang naman akong ipinatawag niyo ngunit naisip kong baka may team siyang ipapasama sa akin o ano.

Pinagtuunan ko ng pansin ang mga litrato sa lamesa at mabilis na kinuha ang isang papel kung saan nakasulat ang mga pangalan ng nga ito.

May hinala na ako kung sino ang tatlo dito kaya kailangan kong masigurado ito.

Napailing ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng taas noo ngunit may napakatamis na ngiti. Si Beatrice, my beautiful but scary wife.

"Kailan ka kaya matututong kumatok sa pinto bago pumasok, apo?" naiiling na tanong ni lolo.

Tumingin ito ng inosente at humawak sa baba na para bang nag-iisip. "Hmm, I don't know lolo, pero kung sipagin ako, baka." sabi niya at umupo sa tabi ko.

Napailing muli si lolo Ben. "Mana ka talaga sa lola mo." kita ko ang pagdaan ng lungkot sa mukha ni Beatrice ngunit mabilis din itong nawala.

Hindi naman lingid sa kaalaman kong mas malapit siya sa mga grandparents niya, lalo na sa side ng daddy niya kaya hindi na ako nagtataka kung ganito ang mga reaction niya.

Simula ng bata palang kami ay kilala ko na siya kaya alam ko ang nga bagay na hindi alam ng ibang tao.

We're been childhood bestfriend slash sweetheart noong mga bata pa kami, nung hindi pa siya umaalis para mag-aral sa ibang bansa pero kahit ganon ay hindi kami nawalan ng connection, naging mag boyfriend/girlfriend pa nga kami, LDR nga lang.

Flame Academy (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon