Chapter 25: Unexpected

1.7K 71 0
                                    

CHAPTER 25: UNEXPECTED

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 25: UNEXPECTED

* * *

NANDITO na kami ngayon sa kaniya kaniyang hotel room and it's out last day here in Del Fierro Beach resort.

Natatamad akong bumangon ngayon lalo na't napagod ako sa mga activity na gustong salihan ng grupo hindi naman ako makatanggi sa tuwing hinihili nila ako para sumali at isa pa nag-enjoy naman ako kaya magtiis na lang sa sakit ng katawan.

Masyado silang hyper!

"Baby c'mon! Bumangon ka na muna para makakain ng breakfast."

"I don't want. I'm tired."

Kanina pa ako nito kinukulit na bumangon muna pero hindi ko talaga gusto. Ang bigat ng pakiramdam ko, yung feeling na may nakadagan sayong mabigat na bagay.

"Aish! Ganito na lang dadalhan kita ng pagkain at dito mo na lang kain, okay ba yun?"

Tumango ako kahit alam kong hindi niya iyon makikita dahil nakataklob sa akin ang isang kumot.

"Wait me here baby."

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagsara hudyat na lumabas na siya. Hayst! Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko ngayon dumagdag pa ang pakiramdam na feeling ko may mangyayaring hindi maganda, kinakabahan ako.

Ganito yung pakiramdam ko noong may muntek ng pumatay sa akin. Isa yun sa dahilan kung bakit nasa academy ako para makaiwas sa kung sino man na gustong pumatay sa akin.

Alam ko ay alam na ni Steven ang bagay na iyon kaya sumang-ayon siya kila dad na ipasok ako sa academy nga.

Ilang minuto pa ang hinintay ko bago bumalik si Steven dala ang pagkain na binili niya sa restaurant sa baba.

"Are you okay wife?" nag-aalalang tanong niya.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Alam kung hindi ako okay, halata naman pero iba talaga yung pakiramdam ko.

"I don't know hubby. Iba ang pakiramdam ko ngayon, para bang may mangyayaring hindi maganda o hindi natin inaasahan. Kinakabahan ako."

Mabilis siyang lumapit at hinawakan ang magkabilang pisnge ko para maiharap ako sa kanya ng deretso.

Tumingin ito sa mata ko. Yung mga seryoso niyang mata ay naging malambing at puno na ng pagmamahal.

Flame Academy (COMPLETED) Where stories live. Discover now