Chapter 30: Trainees

1.5K 71 0
                                    

CHAPTER 30: TRAINEES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 30: TRAINEES

* * *

BEATRICE
Nanggigigil na ibinaba ko ang cellphone sa table nang bigla na lang mawala sa kabilang linya ang lalaking iyon.

Ngayon lang hindi maayos ang signal niya kaya naman talagang hindi ko mapigilan ang mainis.

Kanina hindi ko man lang matawagan tapos ngayon walang signal, ako ba talagang nakakalimutan na ng lalaking iyon? Nakakainis talaga!

Tok Tok Tok

"Come on" I said.

Seryoso ang mukha ko at itinukod ang dalawang siko sa ibabaw ng lamesa bago pinagsiklop ito. "What do you need, lay?" tanong ko sa lalaking kumatok kanina.

Yumuko ito tanda ng paggalang. "Queen, kayo daw po ang magtatraining sa bagong pasok sabi po ni emperor."

New trainees huh?

"Okay. Where's the trainees?"

"Training room po." tumango ako at pinalabas na siya.

Tumingin ako sa salamin at inaayos ang pagkakasuot ng maskara ko. Maskara upang maitago ang pagkakakilanlan ko.

May rules kami sa organisasyon na ito, kung nais mong itago ang iyong pagkakakilanlan sa iba ay maaari kang magsuot ng maskara ngunit kailangan ay kilala ka ng pinuno o ng matataas habang ang iba naman na gustong ilabas kung sino sila ay maaaring hindi na magsuot basta sila ang bahala.

I sighed at lumabas na ng office ko. Bawat nadadaan ko ay yumuko sa akin. Napalaki ng respeto nila sa akin simula ng pumalit ako sa pwesto ni lolo pero kahit ganon ay nererespeto parin siya kahit ako na ang halos gumagawa ng plano.

Sa loob ng isang buwan ay nasanay na rin ako sa pakikitungo nila sa akin. May ilan na ngang sumubok na manligaw sa akin ngunit nang makita ang suot kong singsing ay nagsi-atrasan.

Baka kung hindi nila iyon ginawa ay mapasama sila sa oras na makaabot ang balitang iyon kay Steven.

Naalala ko na naman ang pagtawag ko kanina sa kanya. Ilang beses akong tumawag ngunit hindi man lang mag ring.

Walang katok katok ay binuksan ko agad ang pinto ng training room at mabilis na sinambot ang dagger na papunta sa kinatatayuan ko.

Malamig at walang emosyon akong bumaling sa pinagmulan ng dagger. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang mga baguhan na para bang naistatwa sa mga kinatatayuan.

Bawat hakbang ko ay sinusundan nila. Walang kahit na anong ingay ang namutawi sa buong kwarto kundi ang suot ko lang na high combat boots.

Pinasadahan ko ang bawat isa sa kanila hanggang sa tumigil ang tingin ko sa babaeng may mataray na mukha ngunit ngayon ay mababaksan ng pagtakot.

"W-who are you?" utal na tanong nito.

Mukhang hindi nila alam na ako ang magt-training sa kanila.

"They didn't say who I am huh?" tumango tango pa ako.

"I said who are you?" napangisi na lang ako. Matapang ngunit hindi marunong muna kumilala sa taong binabangga niya.

"You really want to know who I am newbie? So let me introduce myself to all of you, I am Queen Bea, the new leader of Black Mafia." Tila nanigas ang mga ito nang marinig ang mga salitang iyon. "Now that you all know me, let's start your training. Run, 5 lap all around this room, NOW!" naasar na nga ako dinagdagan pa nila.

Matapos nilang maikot ng limang beses ang buong training room ay pinagawa ko naman sa kanila ang mga obstacle na meron dito.

Una ay dadaan sila sa mga gulong, hindi basta basta dadaan lang dahil kailangan nilang talunin ito para makaabot sa sunod na gulong.

Next naman lulusot sila sa mga tali. Hindi rin basta basta ito sapagkat kailangan mong makalusot nang hindi nadadanggi ang mga tali dahil pagnadanggi mo ang tali ay maaari kang malaglaggan ng dagger mula sa taas.

Pinaglakad ko rin sila habang may nakataling gulong sa bewang.

Sunod ay aakyat sila sa mga pader gamit ang lubid at sa tuktok nun ay may makikita kang tela na nagpapatunay na natapos mo ang obstacle na iyon.

Hindi ko muna sila pinaglaban buong training kundi pinalakas ko lang muna ang mga katawan nila para sa susunod ay hindi agad sila mapagod.

Kanina nga ay puro reklamo ang mga babae lalo na ang mataray na nakasagutan ko kanina. Kahit ano naman na reklamo nila ay wala silang mapapala sa akin, ganon ako kalupit mag-ensayo.

Wala akong pake kung babae ka pa dahil iisa lang ang kailangan mong magawa iyon ay ang magpalakas hindi lang physical pati narin emotional at mental.

Dahil iyon naman talaga ang dapat. Hindi maaaring makitaan ka ng kahinaan dahil iyon ang ikababagsak mo.

"That's all for to day. Oh, tomorrow I will teach all of you to fight with different weapon." seryoso kong sabi na ikinatango nila. Lumabas agad ako para naman makapagpahinga.

Malapit na ako sa office nang biglang may humarang sa dinadaanan ko. Hindi parin ba kilala ng iba ang maskarang sinusuot ko.

Ganon na lang ang pagkakunot ng noo ko ng makita ang limang tao sa harapan ko. Nakasuot din ito ng maskara, ang apat ay magkakatulad habang itong katapat ko ay katulad ng design ng sa akin ngunit mahahalata mong panglalaki.

"OMG! Sino sila?"

"Hala, hindi ba sila tatabi, si queen yung nasa harap nila."

"Patay. Mainit pa naman ang ulo ni queen  ngayon."

Bulungan sa paligid ngunit nasa mga ito parin ang paningin ko. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at pinagmasdan lang ang nasa harapan ko na may pamilyar na presensya.

"My wife." nanlaki ang mata ko ng makilala ang boses ng kaharap ko.

"Hubby." ngumiti ito at mabilis na ikinulong ako sa bisig niya. Rinig ko pa ang singhapan sa paligid, dahil sa gulat panigurado.

Alam nilang cold ako at palaging walang emosyon ngunit ito ngayon makikita nila biglang magkaganito ako.

* * *

"So ganon pala ang nangyari? Nasuprise nga ako ngunit naiinis parin ako sayo Mr. Del Fierro."

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanila matapos ikwentong sinadya nilang patayan ako ng tawag kanina.

Nanggigil akong tumitig sa kanila at mabilis na binato ang dagger na kanina ko pa hawak.

"Fuck!"

"Hala! Queen."

"OMG!"

"TANGINA"

"Damn! Baby stop that."

Kaniyahan sila ng ilig sa mga sunod sunod na dagger na ipinagbabato ko. Nakangisi lang ako sa kanila na ngayon ay nakatingin sa akin ng masama lalo na si Steven na busangot ang mukha.

Lihim akong napatawa bago sila talikuran at lumabas ng opisang kinalalagyan namin.

FOLLOW, VOTE AND COMMENT 🖤✨

Flame Academy (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon