Chapter 8: Sebastian's Love

2.8K 110 6
                                    

CHAPTER 8: SEBASTIAN'S LOVE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 8: SEBASTIAN'S LOVE

* * *

SEBASTIAN
KANINA ko pa gustong humalakhak ng tawa ngunit pinigilan ko. Putek! Sinong di matatawa kung pulang pula na ang mukha ng taong kasama mo, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa inis at galit.

Kanina ko pa kasi pinagtitripan si Lucy simula ng dalhin ko siya dito sa loob ng cafeteria.

"YOU JERK!" galit na sigaw ni Lucy habang nakatingin ng masama sa akin.

"Yes babe?"

Imbis na kiligin ito tulad ng ibang babae dito ay putek batok ang inabot ko.

"Don't called me babe, jerk! Hindi ako baboy arghh!" aning sabi nito bago nagwalk out palabas ng cafeteria.

Napapangiti na lang ako tuwing naaalala ang asar nitong mukha.

LUCY
INIS akong naglalakad sa hallway. Asar na asar ako sa lalaking 'yon. Palagi na lang, simula pa noong maging princess ako sa gang ay kumulit na sa akin ang lalaking iyon.

Tuwing nakikita ko ang nakakaasar niyang ngiti ay parang gusto ko siyang sapakin, kung dati ay crush ko siya pero ng asarin niya ako araw araw ay biglang natatabunan ng inis ang nararamdaman kong pahanga.

"Ouch!" daing ko ng mauntog ako sa pader este sa tao pala. Inis kong tiningnan kong sinong epal ang bumangga sa akin.

"Sorry mi–Oh! Lucy ikaw pala, pasensya na hindi kita napansin nagmamadali kasi ako." ani ni mateo habang napakamot pa sa noo. Napairap na lang ako sa hangin.

"Tsk!" singhal ko.

"Badmood." tumango-tango pa "Una na ako may pinag uutos pa si supremo eh." tumango na lang ako ng magsimula na siyang tumakbo.

Kumunot ang noo ko ng makitang masayang nag-uusap ang kakamabal ko na kasama si Ronald dito sa garden.

Alam ko naman ang nararamdaman ni Ronald kay ruby pero dahil nga si ate ay may mahal na iba kaso playboy slash manhid ay hindi parin siya mapansin pansin.

Ewan ko ba sa kanya kung bakit iyon pa ang nagustohan sa dami daming lalaki sa tabi tabi, minsan nga mas gugustuhin ko na lang si Ronald ang makatuluyan ni ate.

Well, hindi na din naman ako sigurado kung meron pa nga bang nararamdaman si Ronald kay Kambal hanggang ngayon lalo na't minsan ko na itong narinig na may sinabi kay ate about girl.

Hindi man halata pero close kaming dalawa kahit na madalas ay nagtatarayan kami dahil ganon kami maglambingan.

Mahal ko ang kakambal ko kaya naman kung sasaktan lang siya ng lalaking yun naku! Baka mapatay ko siya ng wala sa oras.

Flame Academy (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon