Chapter 9: Hideout

2.8K 116 8
                                    

CHAPTER 9: HIDEOUT

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 9: HIDEOUT

* * *

BEATRICE
"Dude nabalitaan niyo ba na sinugod ng golden snake ang gang nila joel?"

"Oo, napuruhan nga daw si joel eh"

"Balita ko nga din na sinaktan daw ang isa sa prinsesa nila, si Lucy yata yun."

"Sis ang daming pasa ng red gang"

"Gosh lalo na si joel"

"Kasalanan naman nila yun lalo na yung leader nila kung hindi siya nagloko"

"Manliligaw palang naman eh"

"Kahit na sis! Nagloko parin siya, akala pa naman natin nagbago na yun tsk"

Nagkatinginan kami nila ruby nang marinig ang usap-usapan ng mga istudyante sa hallway.

Kaya ba halos babae lang na myembro ng gang namin ang nakikita ko sa building ng dorm namin? Aba! Hindi man lang nagsama.

"Tara sa hideout!" Gigil kong sabi sa kanila.

Hiwalay ang hideout namin sa building ng dorm. Yung hideout ay nasa gubat dito sa academy, isang maliit na bahay yun habang may undergroung mansion. Pinagawa yun si steven para sa gang. Ang ibang istudyante na nakakakita ng bahay na iyon ay iniisip na maliit lang dahil hindi naman nila nakikita ang underground kung saan 'andun talaga ang pinakahideout.

Bago pa man kami makapasok sa gubat ay may malanding humarang sa daan namin, sila lia kasama ang mga alipores niyang si caren at ashley pati pala ibang member nila. Oh! Nasabi narin sa amin ni lucy ang nangyari kaya naman gustong gusto ko rin ipaghigante siya sakto sila na ang lumapit.

"You!" Duro ni caren kay lucy na nakacross arms lang na para bang wala lang siyang pake

"Me?" Turo niya sa sarili.

"Oo! Dahil sayo nabugbog ang boyfriend ko." Napairap ako, tsk! Boyfriend tapos nanligaw pa ng iba. Ibang klase nga naman.

"Oh! Kayo na pala ng manloloko kong manliligaw dati... Hmm bagay naman pala kayo, right girls?" Nakangiting tanong ni lucy sa amin naikinatango namin.

"I know righ–"

"Oo bagay kayo. Isang linta slash ahas at isang pugita na sa dami ng kamay ay lahat na lang hinawakan. Opss! Not my face bitch!" Sabay sangga sa palad ni caren na siyang tatama sana da kaniyang pisnge.

"Arghh! Alala mo naman kung sino ka, isa ka lang naman na iniwan este niligawan ng boyfriend k–Ahh!"

"Ops! Dumulas yung palad ko sa madumi mong mukha." Natawa ako–kami ni ruby dahil sa sinabi ni lucy. Maldita talaga kahit kailan.

Flame Academy (COMPLETED) Where stories live. Discover now