Chapter 20: Battle Of the Band

2K 90 5
                                    

CHAPTER 20:  BATTLE OF THE BAND

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 20:  BATTLE OF THE BAND

* * *

LUCY
IT'S EVENING. Nandito kami ngayon sa backstage upang maghanda para sa battle of the band. Nakakaexcite grabe!

Sa sobrang pagkaexcite ko ay gusto ko ng pagsisipain ang dalawang tao sa unahan ko. Gad! Hindi ko alam kung nanghihili ba sila o sadyang wala lang silang pakealam sa mga nakakakita sa kanila.

Aba! Sinong di mahihili o maiinis kung ganito ang makita mo, dalawang tao na kung mag-usap ay akala mo naman wala ng bukas pa. Gad! Nakayakap pa si lalaki, hindi lang iyon dahil nasa leeg ni babae ang mukha nito, tapos si babae naman ay todo haplos sa kamay ni lalaking nakapalibot sa bewang niya.

Gusto niyo bang malaman kung sino? Hmp! Walang iba lang naman kundi sila supremo.

Pag ako talaga hindi nakatiis ay kukuha na lang ako ng gwapong lalaki diyan sa isang tabi. Ehem special mention dyan sa isang prinsepe na nakatunganga lang habang nakatingin sa baba, Ehem sebastian.

Kinginis! Pati ba naman sa kanan ko may naglalandian din, akala ko ba ay battle of the band ang meron dito hindi naman ako naupdate na landian battle pala edi sana nakapagdala rin ako.

"Kinginis kayo! Lumayas layas kayo sa tabi ko baka hindi ako makapagpigil ay masipa ko kaya grrr!" Biglang sabi ko na siyang nakapagpagulat sa mga ito pero maya maya rin ay nagsihagalpakan ng tawa ng magsink in sa kanila na nasa gitna ako ng dalawang couple!

"Aba! Huwag niyo akong tawanan, baka tamaan kayo sa akin." walkout! pero bago pa man ako makalayo ay rinig na rinig ko pa ang mapang-asar na tawa ng mga ito.

Pag-ako nakahanap ng sa akin, who you kayo sa akin. Bakit ba naman kasi niloko ni joel, akala mo naman kay gwapo gwapo mukha naman pato.

"Hey, princess." bati ni sebastian na hindi ko napansin na sumunod pala sa akin.

"Ano?!" Inis kong tanong. Aba pasensyahan na lang tayo siya ang sumalubong sa akin eh.

"Woah! Easy lang prinsesa masyado kang highblood." tsk umirap ako at nagcross arms sa harap niya. "Taray naman nito pero kahit ganyan ka mahal parin kita." kumunot ang noo ko ng hindi ko marinig ang sinabi niya.

"What?"

"Wala sabi ko tara na bumalik magsisimula na daw kasi ang battle of the band." aniya. Hindi na ako sumagot pa kundi umikot na lang at iniwan siya dun.

Bahala siya sa buhay niya.


SEBASTIAN
Manhid na prinsesa

Flame Academy (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon