Chapter 36: Attack And Missing

1.5K 64 0
                                    

CHAPTER 36: ATTACK AND MISSING

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 36: ATTACK AND MISSING

* * *

Nagtaka ako ng magmulat ako ay nasa isang kwarto na ako at nakahiga sa kama, sa pamilyar na kwarto, ang kwarto namin sa dorm ni Steven.

Sa pagkakaalala ko ay nasa eroplano kami. Paanong nandito na agad ako, ano na bang oras? Ganon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makitang 6pm na, ang haba pala ng itinulog ko.

Sa tingin ko ay binuhat lang ako kanina ni Steven, ang tatag ko naman hindi man lang nagising.

Mabilis akong naghilamos at bumaba. Nagugutom na kasi ako at isa pa nasaan kaya si Steven, namimiss ko agad siya.

"Good evening queen." ngumiti lang ako kay ruby at lumapit kay Steven na nakaupo sa living room kasama nila.

Nanunuod sila sa TV habang nakaupo naman si Steven sa single sofa at may laptop sa unahan.

Paglapit ko kay Steven ay umupo agad ako sa lap niya, paharap sa kaniya at humilig sa dibdib niya.

"Are you hungry baby?" tanong niya.

"Yeah." mahinang sagot ko.

Ewan ko ba. Trip kong mahina lang, nanghihina ba naman ako. May jetlag parin yata kahit kanina pa akong tulog.

"Okay, tara samahan kita kumain." tumango na lang ako at hinayaan siyang buhatin ako papunta sa kitchen.

Iniupo niya ako sa isang upuan habang siya naman ay nag handa ng pagkain. Pinagmamasdan ko lang siya habang inihahanda ang mga ito, ang gwapo niya talaga.

Maya maya pa ay naihanda niya na lahat. Umupo siya sa tabi at binuhat ako paupo ngayon sa lap niya.

"Feed me." parang bata kong sabi.

Walang angal naman itong sinubuan ako habang kumakain din siya.

Bigla kong naalala ang ginagawa niya kanina. Para kasing mga background ng istudyante ang mga nandun, kabilang na sila Lia.

"Anong ginagawa mo kanina?" tanong ko sa kalagitnaan ng katahimikan.

"Checking their background especially  for those who betrayed our academy." tumango tango naman ako.

Hindi din nagtagal ay bumalik na kami sa kwarto sabi niya ay dun niya na lang daw tatapusin para naman mabantayan niya ako, akala mo naman kasi mawawala ako.

Flame Academy (COMPLETED) Where stories live. Discover now