Chapter 26: Unexpected Fight

1.6K 74 3
                                    

CHAPTER 26:UNEXPECTED FIGHT

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

CHAPTER 26:UNEXPECTED FIGHT

* * *

BANG

BANG

BANG

BANG

Napuno ng putok ng baril at daing ng mga tao ang paligid namin. Mabuti na lang talaga ay walang malapit na sibelyan dito kaya iwas gulo masyado.

Mabilis akong yumuko para makaiwas sa paparating na suntok ng lalaking ito.

Nearly

"Not my face, you bastard!" Inis kong inipa ang inaalagaan niya sabay hampas sa may batok na ikinatulog nito.

Pasalamat siya hindi ko siya pinatay tulad ng mga kasamahan niya.

Inilibot ko ang paningin. Lahat ay may kaniya kaniyang kalaban, may nagtutulungan na matalo. Ang iba naman ay binabaril ang mga nagtatakang bumaril sa kanila o kasamahan namin.

Sabihin na nilang wala kaming puso ngunit bagay lang sa kanila yun. Ganito ang mundo namin, kung hindi kami ang papatay ay kami ang mamamatay.

You need to be strong para makatagal sa mundong ito. Mundo kung saan puro gulo ang nangyayari.

Nanlaki ang mata ko at mabilis na sumigaw nang makitang may babaril kay Chad ng di niya napapansin.

"CHADDD YUKO!" mabilis naman niyang sinunod ang sinabi ko.

Walang ano-ano ay binaril ko ang lalaking muntik ng bumaril sa kaniya. Gulat itong tumingin sa likod niya at ngumiti sa akin and he mouthed 'Thank you'

Tumango lang ako bago tumulong na ulit. Kailan ba mauubos ang mga maiitim na ito? Aba! Kanina pa kami ngunit parang hindi man lang sila nababawasan.

THIRD PERSON POINT OF VIEW
Lingid sa kaalaman ng lahat ay may isang tao ang kanina pa nanunuod sa kanila kasama ang kaniyang mga tauhan.

Nagtitiim bagang ito sa tuwing makikita ang pagkakatumba ng mga tauhan niyang lumalaban.

Mga walang kwenta!

Galit niyang ibinato ang hawak na sigarilyo ng matumba ang huling tauhan niya. Gusto man niyang makuha ang babae ay hindi niya kakayanin lalo na't naubos na ang mga pinasugod niya.

"Let's go!"

Tumingin muli siya sa babaeng iniibig niya ngunit hindi man lang siya minahal at pinili.

Ngumisi siya ng makitang nakatingin ito sa kinatatayuan niya at tumalikod na.

Matalino ka talaga mahal ko at napakalakas, hindi ko man nakuha ka ngayon ngunit dadating din ang araw na magiging akin ka! Maghintay ka lang.

Sa kabilang banda naman ay nakatingin si Beatrice sa lalaking iyon. Pamilyar sa kaniya ang presensya nito.

Hindi niya alam ngunit nararamdaman niya ito kahit na nakasuot ito ng isang maskara.

Who are you?

"Are you okay, wife?" napakurap kurap siya bago humarap kay Steven na nakatingin din sa lugar na iyon. Hindi niya alam kung siya lang ba o pati ito ay naramdaman din na kanina pa may nanunuod sa kanila.

"Y-yeah."

Dahil sa nangyari ay napauwi agad sila sa academy para ipaalam ang nangyari sa resort at mapanatili ang kaligtasan ni Beatrice.

Hindi man nila alam kung bakit siya ang nais kunin ng mga ito ay kailangan nilang maging handa kung anong maaaring mangyari.

* * *

"WHAT?! ARE MY DAUGHTER IS FINE?" Tanong agad ng ama ni Beatrice na nadun din sa loob ng opisina ng headmaster.

Nang malaman nilang may nangyari ay nagpunta agad sila sa academy para alamin at kamustahin ang anak.

Bumuntong hininga si Steven at napahawak sa noo. "Okay lang po siya. Nandun na po sa kwarto namin, nagpapahinga..." napatigil si Steven na para bang may naalala. 

"May problema ba Steven?"

"Lolo may nakita akong lalaki sa resort noong araw na iyon, nakamaskara siya na alam kong nakita rin ni Beatrice."

"Lalaking nakamaskara? Sino ang lalaking iyon? Kailangan natin mag-investiga tungkol sa nangyari, hindi ako matatahimik sa nangyari. Baka maunit na naman ang nangyari noon." nag-aalalang saad ng ginang.

Tumango ang lahat ng tao sa loob ng opisina tanda ng pangsang-ayon.

Hindi rin sila matatahimik kung hindi nila malalaman kung ano talagang kailangan ng mga taong iyon lalo na ang lalaking nakamaskara.

Nagpaalam na si Steven para puntahan si Beatrice na nagpapahinga sa kwarto nila.

Hinaplos ni Steven ang pisnge nito. Inalis ang mga buhok na humaharang sa mukha nito.

"I will do my best just to keep you safe. Hindi ako papayag na kunin ka ng kung sino, baby. Asawa mo ako kaya handa akong gawin ang lahat kahit pa kaligtasan ko ang kapalit. I love you so much, my wife." humalik siya sa noo nito bago tumabi ng higa. Niyakap niya ito ng marahan na para bang isang babasaging bagay ang kayakap niya na maaaring mabasag.

Lingid sa kaalaman ni Steven na gising na pala si Beatrice at pigil ang luha ng huwag tumulo.

Naiiyak siya dahil alam niyang gagawin nito ang sinabi ng asawa. Binuksan niya ang mata ng maramdaman ang pabigat ng hininga ng katabi, tulog na siya.

She smiled and kissed his cheek. "Huwag kang mag-alala mahal ko, hindi kita hahayaang mag-isa dahil gagawin ko rin ang lahat para mapanatiling ligtas ang sarili ko huwag ka lang mag-alala. Mahal na mahal din kita Steven Del Fierro."


FOLLOW, VOTE AND COMMENT DUDE

Flame Academy (COMPLETED) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora