Chapter 17: Sister

2.3K 89 0
                                    

CHAPTER 17: SISTER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 17: SISTER

* * *

BEATRICE
Inis ang mukha kong naghihintay sa labas ng cr dito sa hallway. Hindi ko na talaga alam kung ano pang problema ng babaeng iyon.

Hindi ba pa siya nagsasawa sa mga pinaggagawa niya? Aba! Ako sobra na, nauubusan na ako ng pasensya! Gusto kong higitan pa ang gawin sa kanya hindi lang iyon pero kingina! Hindi ko alam ngunit ng makita ko ang umiiyak na tingin ni allysa ay parang pinipiga ang puso ko.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko! Pero bakit ganon feeling ko matagal ko na siyang kakilala, yung parang kapatid ngunit wala akong kapatid na naaalala.

Wala naman sigurong nangyari sa akin noo–

Naputol ang iniisip ko ng biglang tumunog ang cellphone kong hawak ko. Buti na lang hindi ko nabitawan 'to.

"Hello mom"

"Hello my daughter." sabi ni mom sa kabilang linya.

"Bakit ka mom tumawag?"

"We need to talk to you later, after your game with Steven, is that okay?" nagtaka ako ng mabakasan ko ang pagkakaba sa boses ni mom o guniguni ko lang iyon?

"Sure mom."

"That's good. Sa headmaster office baby, see you later. I Love you my daughter."

"I love you too mommy."

Napatingin ako kay allysa na kakalabas lang ng cr na ngayon ay nakaayos na ulit. Hindi ko alam kung naiisip ko lang ba talaga o totoong magkamukha kami.

Napailing na lang ako sa isipan bago siya niyakag papunta sa field kung saan gaganapin ang laban ko sa archery habang mamaya namang hapon ay ang huling laban ng basketball which is sila Steven kalaban ang rank two sa gang.

Yun yung pinakahinihintay ko eh dahil maganda siguro ang magiging laban, narinig ko kasi kanina na magagaling rin ang mga iyon ngunit talagang nakakalamang lang sila Steven ng isang paligo siguro sa galing.

May bias noh? Wala asawa ko 'yon kaya dapat sa kanila ako.

"Ate bea, salamat pala dun kanina.. Dahil niligtas mo na naman ako." napatingin ako kay allysa na nakayuko ngayon. Kanina pa ito tahimik kaya nagtataka dahil kahapon ay nakapaingay nito lalo na noong mapasama kila ruby sa sobrang kaingayan.

Kaming dalawa lang ngayon ang magkasama dahil ang iba ay nasa field na kung saan ako lalaro. Dapat nga ay sasamahan pa nila kami ngunit hindi na ako pumayag dahil alam kung naiilang pa sa mga ito si allysa lalo na kay Steven na masyadong seryoso.

Ngumiti ako ng maliit bago ginulo ang buhok niya, hanggang ilalim ko lang kasi siya ng tenga kaya talagang magpaghahalataan mong mas bata siya sa akin.

Flame Academy (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon