Chapter 4: Trouble

3.7K 138 13
                                    

CHAPTER 4: TROUBLE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 4: TROUBLE

* * *

BEATRICE
Nandito kami nila ruby sa cafeteria. Hindi namin kasama si steven dahil bigla itong ipinatawag ni HM, susunod na lang daw siya pagkatapos.

"Ano sa inyo? Kami na lang oorder ni mateo." tanong sa amin ni sebastian.

"Yung C sa akin." sabi ni lucy. Yung C kasi ay kumpleto na may kanin ulam at inumin na.

"Same." sabi ko.

"Ganon na lang lahat ang oorderin namin." tumango na lang kami.

Habang wala sila mateo ay busy sa pagkukwentuhan ang kambal habang ako naman ay busy sa pagbabasa sa cellphone ko.

Hindi basta basta ang binabasa ko, about sa medication ang mga ito. Nakapagtapos na ako sa ibang bansa ng doctor.

Isa na akong doktora, isa yun kung bakit ako nandito sa academy. If magkaroon ng emergency ay makatulong ako.

Okay na sana eh! Walang gumugulo sa pagbabasa ko dahil busy yung dalawa kaso may bigla na lang kumuha ng cellphone ko.

Kaya naman napatingin ako sa kumuha. Ayoko pa naman sa lahat ay yung basta basta na lang kukunin ang gamit ko lalo na kung ginagamit pa ito.

"So ikaw pala ang queen ng golden snake? Alam mo bang sinubukan kong makapasok sa pwestong yan tapos ikaw na transferee lang ang mapupunta dyan. Hindi naman yata ako makakapayag niyan!" Kumunot ang noo kong tinitigan siya.

Kingina! Dahil lang dun. Hindi siya karapat-dapat sa pwestong ito lalo na kung ganyan siya umasta na akala mo ay ang taas sa sarili.

"Hindi ka magsasalita? Ganito pala ang reyna niyo. Mahina!"

"Who are you?" Pasensya di ko siya kilala. Wala akong kilala na clown na nasa paaralan. Alam niyo yun nasa party lang dapat sila.

"You don't kn–"

"Duh! Transferee ako sis." mataray kong sabi sa kanya.

Alam niya naman na transferee tapos itatanong kung kilala ko ba daw kamo? Nakikipaglokohan ba siya?

Rinig ko ang pagtawa ng mahina ng dalawang nasa likod ko. Ako pa ang kinalaban. Pasalamat siya wala pa si Steven kung nandito yun lalo siyang malalagot.

Halata na sa mukha niya ang pamumula. Ano galit na siya! Bagay lang yan.

"Tapos ka na ba kumuha ng attention? Kung oo baka naman pwede na kaming kumain." Hindi na lang ito nagsalita pero nagwalkout na.

"Ang galing mo dun ah. Alam mo bang  queen ng rank 4? Nagrereyna-reynahan yan akala mo naman papatulan siya ni king." sabi ni lucy.

Subukan lang pumatol ni steven dun malalagot siya sa akin. Aba, asawa niya lang naman ako.

Flame Academy (COMPLETED) Where stories live. Discover now