Chapter 10: Whether you like it or not

2.8K 116 0
                                    

CHAPTER 10: WHETHER YOU LIKE IT OR NOT - Mateo Quito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 10: WHETHER YOU LIKE IT OR NOT - Mateo Quito

•  •  •

MATEO
NAPATINGIN ako sa dalawang tao dito sa kanan ko, si ruby habang inaasikaso si ronald. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, hindi ako ganito.

Kumirot ang puso ko sa nakikita ko, yung nag-aalalang mukha ni ruby habang ginagamot ang sugat na natamo ni ronald sa laban kanina.

"Ahh! Dahan dahan naman pretty ruby, masakit hah!" Daing ni ronald.

"Anong dahan-dahan ka diyan?! Kung sino ba naman tanga ang magpapatama huh?! Ako'y naiinis sayo! Alam mo bang nag-aalala ako kanina dahil sa narinig namin kaya nga nagmadali kaming pumunta kaso may lintang humarang sa amin kaya natagalan ng kunti." galit na galit na sabi nk Ruby na ngayon ay umiiyak na.

"Shh! Para kang bata princess, wag ka na umiiyak. Look oh okay lang naman ako tsaka sugat lang yan, gagaling pa yan. Hindi naman mababawasan ang kagwapuhan ko." Sabay yakap nito sa lumuluhang si ruby.

Napaiwas na lang ako ng tingin hanggang sa tumapat iyon kila sebastian na ganon din ang katayuan. Ginagamot siya ng nag-aalalang si lucy.

Tumayo ako para makaiwas sa mga ito. Tsk! Si mateo yata 'to madami baby ngunit parang nawawala na parang bula dahil kay ruby na hindi ko malamang dahilan.

Tanong ko lang kailangan ko pa bang maging ganito para lang makipaghiganti kay Joyce? Hindi ko na kaya ang ganito. Ano bang nangyari bakit gustong gusto ko makaganti  sa kanya? Gaano kasakit ang naramdaman ko? Sobra putik pero bakit feeling ko mas nasasaktan ako ngayon nang makita ko kung gaano mag-alala si Ruby kay Ronaldna iniisip ko na sana ako na lang yun. Yung iniyakan niya dahil sa sobrang pag-aalala, yung yayakap sa kanya para patahanin siya pero hindi ako yun.

"Kuya, come here gagamutin ko yan." Napatingin ako sa kapatid kong nakatayo na pala sa harapan ko. Ganon na ba ako kalalim sa kakaisip kaya hindi ko man lang napansin na nasa harapan ko na ang kapatid ko?

Hindi na ako umangal nang hilahin niya ako papunta sa isang upuan dito sa kitchen, dito kasi ako dumeretso kanina.

"Gusto mo siya kuya?" Kunot noo akong tumingin sa kanya. "Si ate Ruby, gusto mo siya tama ako?" Dugtong nito.

Huminga ako ng malalim. Gusto ko nga ba siya? Noon ay hindi ko siya napapansin dahil palaging nakatutok ang mata ko kay Joyce na niloko lang naman ako.

"I don't know. Naguguluhan ako, pero isa lang ang masasabi ko, nasasaktan ito." turo ko sa dibdib ko. "Tuwing nakikita ko silang magkasama pero hindi ko ito pinansin noon dahil nakatutok lang ako kay joyce pero nang makita ko silang dalawa ni Ronald lalo na ngayon, ang sakit! Yung feeling na gusto mong sapakin yung kasama niya pero hindi mo magawa dahil alam mong ikakagalit niya yun." Parang batang nagsusumbong ako sa ina.

"Shh.. Kuya bakit kasi hindi ka na lang tumigil dyan sa pagganti kay Joyce? Wala ka namang mapapala diyan at nasasaktan mo pa si ate Ruby. Bahala ka baka sa susunod wala na siya sa tabi mo at nasa iba na siya. Kakayanin mo ba iyon?" Umiling ako.

Ngayon pa nga lang ay hindi ko na kaya. paano pa kaya kung higit pa dun ang makita ako baka ikamatay ko na iyon.

"Hindi ko kaya. Baka ikamatay ko 'yon sa oras na mangyari ang sinabi mo."

"Good answer! Paano ba yan usap muna kayo huh? Dun muna ako sa living room." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mitch pero ganon na lang ang gulat ko pagharap ko sa may pinto ay 'andun si Ruby nakatayo habang nakatingin sa akin ng walang emosyon.

Kinakabahan ako sa ganong mukha niya dahil hindi ako sanay. Palagi kasi itong nakangiti o hindi kaya nakataas ang kilay.

RUBY
Nagpaalam ako kay ronald na iinom ako kaya naman naglalakad ako ngayon papunta sa kitchen nang mapansin kong nasa loob ang magkapatid na Quito.

Napatigil ako sa may pintuan nang marinig ang pagtatanong ni Mitch. Hindi ko alam pero gusto kong marinig ang sagot niya kaya isinandal ko ang sarili sa pinto, hindi naman ako chismosa pero talagang hinahatak ako ng kuryusidad.

"Gusto mo siya kuya? Si ate ruby, gusto mo siya tama ako?" Ako gusto niya? Tsk anong tanong yan? Pero gusto kong malaman ang sagot niya.

"I don't know. Naguguluhan ako, pero isa lang ang masasabi ko, nasasaktan ito." turo nito sa dibdib yata. Hindi ko kita eh dahil nakatalikod siya sa akin. "Tuwing nakikita ko silang nagkasama pero hindi ko ito pinansin noon dahil nakatutok lang ako kay joyce pero nang makita ko silang dalawa ni ronald lalo na ngayon. Fuck! ang sakit! Yung feeling na gusto mong sapakin yung kasama niya pero hindi mo magawa dahil alam mong ikakagalit niya yun." Parang batang nagsusumbong sa ina.

"Shh.. Kuya bakit kasi hindi ka na lang tumigil dyan sa pagganti kay Joyce? Wala ka namang mapapala diyan at nasasaktan mo pa si ate ruby. Bahala ka baka sa susunod wala na siya sa tabi mo at nasa iba na siya. Kakayanin mo ba iyon?" Kita ko ang pagsulyap dito ni mitch kaya naman napakagat ako sa ibabang labi. Naghihigati siya? Dapat sinabi niya para tinulungan ko siya.

Kita ko ang pag-iling ni mateo kaya naman napangiti si mitch na kahit ako ay napangiti rin. Ayaw niya palang mapapunta ako sa iba pero ito siyang tanga pinapabayaan lang ako.

"Hindi ko kaya. Baka ikamatay ko 'yon sa oras na mangyari ang sinabi mo."

"Good answer! Paano ba yan usap muna kayo huh? Dun muna ako sa living room." Sabi ni mitch at naglakad papunta sa akin. "Good luck ate, duon muna ako sa boyfriend ko." tumango lang ako. Nasabi ko bang boyfriend niya na ang bestfriend ko. Mygad, hindi ko nga rin inakala na maiinlove na sa iba ang bestfriend ko pero masaya ako sa kanilang dalawa lalo na kay ron dahil nakahanap na siya ng para sa kanya.

Inalis ko lahat ng emosyon ko nang humarap sa akin si mateo. Gusto kong matawa nang makita ko ang paglaki ng mata niya dahil sa pagkagulat.

Sinong di magugulat kung yung pinag-uusapan niyo kanina ay nasa likod mo lang pala.

Naglakad ako palapit sa kanya. Hinawakan ko ang sugat niya sa pisnge at gilid ng labi. Ang tanga naman nito, nagpatama pa.

"Ang tanga mo nagpasuntok ka." Naiiling na sabi ko. "Bakit ka nagpatama?" Mataray kong tanong. Nakita ko ang paglunok nito dahil sa kaba kaya naman napatawa ako ng mahina.

"Ahh.. ehh"

"I O U?"

"Naman." Nakangusong aniya. Cute!

"Tsk! Nasasaktan ka pala huh?" Nang-aasar kong sabi sa kanya na siyang ikinapula ng buong mukha niya. "Aww, You're blushing!" Natawa ako ng lalong namula ang mukha niya ngunit agad din natigil nang hatakin niya ako paupo sa lap niya sabay halik sa labi ko.

Natulala ako hanggang sa humiwalay ang labi niya sa akin at magsalita siya na ikinapula ko.

"Labi ko lang pala ang magpapatahimik sayo kakaasar. Isa pa honey." Ngising aniya.

"Sapak niyo want?" Natatawang umiling ito bago biglang sumeryoso at hinawakan ang kamay ko.

"I don't know what to say but i just want you to know that i will court you, whether you like or not!" Seryosong aniya na siyang ikinatulala ko.

Flame Academy (COMPLETED) Where stories live. Discover now