Chapter 29: Going To Japan

1.6K 71 0
                                    

CHAPTER 29: GOING TO JAPAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 29: GOING TO JAPAN

* * *


Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko–namin ni Beatrice at inaayos ang mga gamit na dadalhin ko bukas ng umaga papuntang Japan.

Hindi niya alam na bukas ang punta ko. Dapat nga ay hindi pa ngayon kung hindi ko lang natapos agad ang mga gawain ko kanina na siyang dahilan din kung bakit hindi ko agad nasagot ang mga tawag ni bea.

Damn! I missed her so much.

Kung pwede lang na lipadin ko na agad ang pagitan namin ay nagawa ko na, kung kaya ko lang talaga.

Tok Tok Tok

"King, pinatawag mo daw kami?" tumingin ako sa kila sebastian na siyang nasa harap ng pinto ko ngayon.

"Yeah, magimpake kayo ng gamit niyo, isasama ko kayo sa Japan." nanlaki ang mga mata ng mga ito.

"Isasama mo talaga kami king?"

"Really?"

"Totoo yan?"

sabay sabay nilang tanong. Tumango lang ako bago sila paalisin.

Nagtuloy ulit ako mag-ayos hanggang sa matapos ko na lahat. Humiga ako sa kama at tumitig sa ceiling ng kwarto namin.

Nakakapagod!

Tumitig lang ako sa taas hanggang sa dalawin ako ng antok at pumikit..

EVERYTHING WENT BLACK

* * *

Maaga palang ay umalis agad kami sa academy at pumunta sa isang private airport na pagmamay-ari ng pamilya namin.

Nakaupo na ako ngayon sa isang seat dito. Sumilip ako sa labas at nakitang naandar na ang airplane.

Just wait baby, magsasama na ulit tayo. Pero sana lang ay huwag mo akong habulin ng dagger mo mamaya.

"Hello, everyone. This is your pilot Martin announcing that we are going to land any minute."

Nagising ako sa tunog na iyon at mabilis na ikinabit ang seatbelt ng upuan ko.

"Wahh excited na ako!"

"Me too. I can't wait to see queen."

Napailing na lang ako sa ingay nila ruby bago nagpaunang maglakad pababa ng airplane.

Sabi ni lolo–lolo ni Beatrice na siyang nakakaalam na pupunta kami ngayon  dito para supresahin si bea–ay may susundo daw sa amin pagkalabas palang namin ng airport na ito, na pagmamay-ari naman nila.

Tama nga pagkalabas palang ay nakaabang na agad sa amin na van, tatlo ito ngunit yung sa nasa gitna ang bukas at dun kami pinapasok.

"Hello, Young Masters and young ladies I am Ron Rosales, Mr. Buenaventura's right hand." pagpapakilala ng lalaking nakaupo ngayon sa passenger seat ng van.

Tumango lang ako habang sila naman ay nakipag-usap kay Mr. Rosales. Hindi na ako nakisali pa at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Wala paring nagbabago sa bansa maliban na lang sa mga bagong building o store sa bawat daan.

Matagal tagal na rin akong hindi nakakapunta sa bansa na ito simula ng manatili ako sa loob ng academy at gawin ang mga tungkulin bilang supremo.

Masaya ngunit nakakapagod ang mga gawain sa academy pero kahit ganon ay nandyan naman si Beatrice na siyang nagiging lakas ko lalo na't dun na nga rin siya pumapasok ang kaso nga lang ay lumipad nga siya papunta dito sa Japan noong isang buwan.

Kumunot ang noo ko bago kinuha ang cellphone kong nag-iingay ngayon. Mabilis kong pinatahimik sila mateo ng mabasang si Beatrice ang tumatawag sa akin.

"Hello wife."

"Bakit ngayon lang kita natawagan huh? Ayaw kanina gumana. Saan ka na naman ba magpunta?" napangiwi ako sa bungad nito. Umiling ako ngunit nakangiti ng marinig ang mataray at inis na boses nito. "Ano na?! Sumagot ka lalaki! Bakit hindi ka manlang mag salita ngayon, naiinis na ako steven."

I fake coughed. "Baby may dalaw ka ba? Ang sungit mo na naman ngayon.."

"Aba! Huy lalaki hindi mo pa sinasagot ang tano–"  pinutol ko siya.

"Hello? Fuck!" inilapit ko ang cellphone kay Lucy na ngayon ay may kinakain na snack. Tumango ito sa akin bago gusumutin ang balat ng kinakain niya para gumawa ng ingay. "Shit! Baby nandyan ka pa ba? Nawawalan ng sin–"

"Toot! Toot!" sila mateo.

Nagkatinginan kami at sabay sabay na humagalpak ng tama. Patay kami nito mamaya.

Hindi naman talaga kasi nawawala ang signal ko. Gusto ko lang talaga inisin ang asawa ko bago isuprise mamaya.

"Patay ka mamaya dun king. Alam mo naman si queen masyadong mainitin ang ulo lalo na kung papatayan mo ng tawag." mateo said.

Tumango naman sila. "Bahala na. Basta paghinabol tayo ng dagger. Damn! run and save yourself." nakangising sagot ko na siyang ikinalaki ng mga mata nila.



FOLLOW, VOTE AND COMMENT🖤✨
Umiikli na yung nga update ko, nakakainis! Gusto ko man na umabot ulit sa 2k plus young words kaso hindi ko na kaya, sana all di ba may pumapasok sa isip.

Flame Academy (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon