Chapter 23: Activities

1.8K 75 10
                                    

CHAPTER 23: ACTIVITIES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 23: ACTIVITIES

* * *

Nakasimangot akong nakatingin sa taong kaharap ko ngayon. Hindi ko mapigilan sumama ang mukha at magmaktol. Magdadalawang oras na yata kaming ganito pero wala paring nagbabago.

"Ano na bab, ito ang susuotin mo o hindi tayo lalabas dito maghapon?"

"Steven naman eh!"

Kumunot ang noo nito "Anong mali sa mga damit na to? Ayos naman kaya."

Lalong sumimangot ako. "Anong walang mali diyan! Gosh nasa beach tayo tapos ipapasuot mo sa akin yang pajama at isang long sleeve na damit huh? Steven naman, ito na lang kasi." itinuro ko ang isang damit na nais ko.

Tumitig ito bago bumuntong hininga. "Fine! Go change your dress and please don't wear anything so much revealing, okay?"

I smiled and clap my hand. "Yes! Yes! Yes! I love you baby hubby." nakangiting ani ko.

Ngumiti ito matapos kong halikan siya sa labi. "I love you too. That is why I can't endure you, especially your flooring face."

Matapos kong paltan ang suot ay nagpunta agad kami sa baba kung saan naghihintay na ang mga kasamahan namin.

Naisipan nilang mag-activity ngayong araw para naman daw hindi boring ang buong araw nila.

"NANDITO NA SILA!"

Napailing ako ng marinig ang sigaw na iyon. Kahit kailan talaga ay hindi parin nagbabago ang batang ito..

"Ingay mo talaga, Chad."

Ngumiti ito at niyakap ako. Isa si Chad sa mga kaclose ko sa gang, kahit halos lahat naman ay kaclose ko na pero ito talagang batang ito ay malapit sa akin parang si mitch lang o kaya ay si allysa.

Sweet na mga at mahilig mag-ingay. Silang tatlo ang parang tinuturing na bunso sa grupo pati na rin pala si carlo pero may kaklase naman sila ditong iba ang kaso lang ay sila ang pinakabata talaga.

"Ate, namiss kita, sobra. Ilang araw din kasi akong nabusy sa Sportfest."

Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya. "Namiss din kita. Congrats nga pala sayo, ang galing mo din mag laro ng basketball."

Isa sa kateammate ni Steven si Chad. Kaya naman talagang hindi niya ako masyadong napansin dahil busy sila sa laro habang ako naman taga cheer sa kanila.

Nakakatuwa nga na kahit bata siya sa team ay nasasabayan niya ang mga kuya niya sa laro.

"Thank you po."

"Malapit na akong magselos sa bata."

Kumunot ang noo ko ng tumingin ako kay Steven na ngayon ay nakasimangot at may ibinubulong bulong.

Flame Academy (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon