Chapter 27: The Tattoo/Grandfather

1.7K 70 1
                                    

CHAPTER 27: THE TATTOO/GRANDFATHER

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 27: THE TATTOO/GRANDFATHER

* * *

Ilang linggo na ang nakalipas simula nang makabalik kami dito sa academy. Sa ilang linggo na yun puro ensayo ang ginagawa namin sa hapon.

Katulad na lang ngayon. Paglabas sa classroom ay dito agad sa hideout ang deretso ng grupo. Halos dito na nga rin kami matulog dahil ginagabi kami at ang dilim na kung uuwi pa pabalik sa dorm, ang layo pa naman.

Lumapit ako kay allysa na nakaupo sa isang bench, nakasandal ito habang nakatulala sa kawalan. Ilang linggo na rin itong ganito kaya naman hindi na ako mapakali ngayon, nag-aalala ako sa kanya.

"Hey, allysa. May problem ka ba?" kita ko ang pagkagitla nito na halatang hindi niya ako naramdaman.

"A-ate Bea? Ikaw po pala." may maliit na ngiting ani niya.

Napahinga ako ng malalim at hinawakan siya sa dalawang balikat. "Allysa kung may problema ka sabihin mo lang sa akin malay mo may maitulong ako. Nag-aalala na ako sayo, ilang linggo ka ng ganiyan, nakatulala at malalim ang iniisip."

Bumuntong-hininga siya bago tumingin sa akin. "Ate, naalala niyo pa yung sinabi niyo na tattoo?"

Kumunot ang noo ko. "Anong meron dun?"

"Parang nakita ko na po ang tattoo na yun. One time po na nag-away sila mom—i mean mga magulang ni ate Lia ay nakita ko sa leeg ni mama ni Lia yung tattoo." kinakabahan niyang sabi sa akin.

Sumeryoso ako habang nakikinig sa kanya. Malaking tulong ito para mahanap namin ang kapatid ko at makapaghigante sa pagkamatay ni lola

"Sigurado ka ba sa nakita mo?" Tumango siya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at lumingon sa paligid kung may nakarinig bang iba sa amin.

"Let's go, may pupuntahan tayo."

Walang salita-salita ay nagpahila ito sa akin. Dumaan muna kami sa office ni Steven para ipaalam ang nalaman namin at yakaging lumabas sa academy.

Walang katok-katok na pumasok ako sa office ni Steven na hindi na naman niya ikinagulat dahil ako lang ang may lahat ng loob na gawin ito sa kaniya.

"Baby?" hindi man lang nagulat na tanong niya.

"Busy ka?"

"No. Why? Do you need anything?" Huminga ako ng malalamin bago sabihin ang napag-usapan namin ni allysa.

Sumeryoso din ito sa nalaman. "Anong gagawin mo ngayon?" tanong niya.

Tumingin muna ako kay allysa na ngayon ay nakayukong nakaupo sa couch dito. Huminga ako ng malalamin bago ibinalik ang tingin kay Steven.

Flame Academy (COMPLETED) Where stories live. Discover now