Bonus Chapter

20.7K 428 58
                                    

"Hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pag iimbestiga ang mga pulis patungkol sa nangyaring pag sunog sa isa sa pinaka malaking paaralan sa siyudad, ang Waldorf Academy." Tumungo sa tabi ng isang pulis ang reporter "Sir, may alam na ba kayo kung paano o saan nag simula ang sunog?" tanong nito.

"Sa ngayon, wala pa. Pero may kakaibang gamit kami na natagpuan matapos ang sunog." Umupo siya ng tuwid at seryosong naka tutok sa harap ng t.v.Inilabas ng pulis ang baril na tinutukoy niya.

"Cross Gun." bulong niya.

"Hindi namin alam kung anong klaseng baril ito. Pero kung titignan, kakaiba ito." dugtong pa nito.

Huminga siya ng malalim at pinatay ang T.V. Napasandal siya sa kinauupuan niya at tumingin sa labas ng bintana. Hanggang ngayon hindi niya alam kung bakit nasunog ang Waldorf Academy. Talaga ngang wala na siyang kaalam alam tungkol dito. Hindi na rin naman kailangan dahil tinalikuran at kinalimutan na niya ang lahat. Lalong lalo na ang pagkatao niya at ang katotohanan na pilit niyang itinatanggi sa sarili niya at ayaw niyang tanggapin.

At kahit anong tanggi niya, hindi niya pa rin mababago ang nasa realidad.

Biglang may kumatok sa pinto.

"Come in." sambit niya. May bumukas ng pinto at pumasok sa loob ang isang babae "Anong balita?" tanong niya.

Bumuntong hinga ang babae at para bang nagdadalawang isip na sabihin dito ang tungkol sa nalaman niya "Karlie, ano yun? Sabihin mo."

"Ikakasal na silang dalawa ni James." napatigil siya "Ngayong araw din."

"S-Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?" hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Para bang nanigas siya sa kinauupuan niya ngayon at para bang sumakit ang dibdib niya.

"Sigurado ako." sambit nito. Lumapit ang babae sakanya "Okay ka lang ba?"

"Iwan mo muna ako."

"P-pero.."

"Please."

Bumuntong hinga ang babae "Hanggang ngayon hindi mo pa rin talaga siya nakakalimutan. Kahit na malabo at hindi pwede na maging kayo. Sana hindi yan makakasira sa Career mo, Jay." tinapik ng babae ang balikat niya "Lalabas na ako." sambit nito.

Nang makalabas ang babae ay di niya naiwasang umiyak. Hanggang ngayon masakit pa rin para sa kanya ang lahat. Sariwa pa rin ang lahat ng kasinungalian at sakit na na pilit niyang binabaon na lahat sa limot. Kahit anong gawin niya hindi niya pa rin magawang tanggapin ang lahat.

Sumilip siya sa malaking bintana ng kwarto na kinaroroonan niya ngayon. Ang daming tao nanaman ang naka abang. Mga tao na bumango ng buhay niya at pagkatao.

Tumayo siya at binuksan ang isang maliit na kahon na naka patong sa gilid ng kama niya.

Isang maskara..

Napayuko siya at mahigpit na hinawakan ang maskara. Hanggang kailan ba siya magtatago? Hanggang kailan ba siya magiging ganito? Kailan niya ba matatanggap ang lahat?

"Amanda, I don't know why. Pero mahal na mahal pa rin kita." bulong niya.

END.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon