Chapter 18- Memories of her

50.2K 958 77
                                    

Amanda's POV


"Of course, I will never let her go." Sagot ni Jade.

Bigla akong natawa kaya napatingin silang dalawa ni Yumi sa akin.

"Why are you laughing" Tanong ni Yabang.

"Imposibleng makahanap ka ng babaeng ganun."

"Bakit naman?" Tanong din ni Yumi.

"Kasi ang sama ng ugali mo. Walang magkakagusto saiyo."

"Are you sure?" Tanong ni Jade habang naghahanap ng damit sa malaki niyang cabinet. Pagkatapos humarap siya sa akin at ngumisi "Edi magbabago ako." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya "Magbabago ako para magustuhan din ako ng babaeng gusto ko. Pwede na ba yun? Ha Amanda?"

Umiwas ako ng tingin.

"B-Bakit mo naman sa akin tinatanong yan?"

"Kasi ikaw ang babaeng yun." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jade. Magsasalita na sana ako kaso agad siyang nagsalita "Pero syempre, that's a joke. You're not my type."

Kinuha ko ang unan sa tabi ko at agad na tinapon sa pagmumukha niya. Nakakasira talaga ng araw ang mayabang na ito. Tumayo ako mula sa kama at agad na hinila si Yumi palabas ng kwarto ni Jade. Tinawag niya pa kaming dalawa ni Yumi pero di ko siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya. Paglabas namin binitawan ko na si Yumi.

"Huy Amanda,ano bang problema?" Tanong niya.

"Wala. Nabibwiset lang ako sa Jade na yun."

"Weee? Siguro nag expect ka talaga kanina na ikaw ang babaeng type niya. HAHAHAHA." Tinignan ko ng masama si Yumi. "Tama ako noh?"

"Hindi noh. Naku Yumi,mas mabuti pang bumalik ka na sa klase." Tinulak ko siyapalabas ng dormitory building "Sige na. Bye bye na!" Huminga ako ng malalim. Yung babaeng yun talaga! Kung ano ang iniisip. Hahay.

Napasambunot ako sa buhok ko. Leche din talaga ang Jade Waldorf na yun! Akala mo sinong gwapo talagaaa! Pero bakit?

Bakit nga ba ako nagagalit? Haays! Ewan ko!



James POV

"Balita ko nawalan ng malay si Amanda kanina." Sabi ko. Nandito ako ngayon sa Student's Council Office kasama ang lahat ng officers. Hindi lang ako,si Jade,Julia,Bianca at Kristoff ang officer kundi marami kami. Most of the officers were humans at kaming lima lang ang bampira. Si Raven naman isinali ko na rin kahit hindi siya officer.

"Ano bang paki namin sa babaeng yon?" Tinignan ko ng masama si Bianca. "Why? Bakit ba tinatanong mo siya sa amin? Kasali ba siya sa pag-uusapan natin ngayon?" Hindi ko siya pinansin.

"Okay na siya ngayon James." Sagot naman ni Raven.

"Bakit mo ba kami pinatawag dito? Ano ba ang pag-uusapan natin?" Nakasimangot na tanong ni Kristoff. Bakit parang may problema sakanilang dalawa ni Julia ah? Si Jade naman mukhang wala sa mood. Lagi naman eh.

Pinagmasdan ko sila isa-isa.

Hindi kami ganito noon. Para bang may nagbago. Hindi ko na alam kung ano bang nangyayari sakanila. Ganito na ba talaga ang VAMPIRE ROYALTIES ngayon? Ang daming nagbago.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon