Chapter 29- The Prophecy

40.9K 699 39
                                    

Amanda's POV

"Waaah!!' Ilang beses akong sumigaw dito sa loob ng dorm kaya 'tong kasama kong si Yumi nagsimula nanamang mag alburotot.

"Huy Amanda! Ano ba kasing nangyari sa inyo ni James? Este. Poging James pala."Kay Jade Gwapo,kay James naman Pogi. Ganun ba talaga kagwapo ang magkapatid na yun? Kung sabagay,totoo naman. Aish! Pero kahit na! Hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi ni James sa akin kanina. Shems! Kinikilig talaga ako na ewan! Ano ba 'tong nangyayari sa akin?

"Hoy Amanda!" Sinapak ako ni Yumi.

"Aray ko naman Yumi!" Reklamo ko.

"Ano ba kasing nangyari? At aba lang ha! Hindi ka talaga pumasok buong araw!"

"Eh kasi naman pumunta kami sa tuktok ng building na ito."

"Ha? paano?"

"Bampira siya diba?"

Napakamot sa ulo si Yumi "Oo nga pala."

Grabe talaga. Hindi ako maka move-on sa mga sinabi ni James talaga. Tss. Naloloka na talaga ako. After nga pala namin mag-usap kanina,umalis na rin kami. Kaso ako,nailang na sumakay sa likod niya. At alam niyo ba kung ano ang sinabi niya? -_-

"Sana mind reader nalang din ako para naman mabasa ko kung ano ang mga iniisip mo. Malay mo, Inlove ka na ulit sa akin."

Ibang klase no? Magkapatid nga talaga sila ni Jade. And speaking of Jade hindi ko pa nakikita ngayong araw ang Yabang na yun. Nasaan kaya siya?

At hanggang ngayon di ko pa rin lubos maisip na medjo hindi na ako natatakot sa mga bampira.

James POV

"James may naghahanap sayo." Sabi ni Raven.

"Sino?" Tanong ko

"Si BLAZE KAMMER." Kumunot ang noo ko "May importante daw siyang sasabihin sayo hinihintay ka na niya sa kwarto mo." I just nodded at dali dali ng pumunta sa kwarto ko.

Si Blaze Kammer, ang nag-iisang bampira na pinagkakatiwalaan ni.Grandpa.  Bigla ata siyang nagparamdam. May balita kaya siya tungkol kay Grandpa?

Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto ko at nadatnan ko siyang nakaupo sa mahabang sofa. Naramdaman niya ata ang presensiya ko kaya napatingin siya sa akin at ngumiti.

"Nagagalak akong makita ka muli,James."

Jade's POV

Nandito ako ngayon sa secret cellar ng Waldorf Academy. Hindi ako nagpakita buong araw dahil gusto ko mapag-isa. Ang secret cellar na ito,dito nakatago ang kabaong o coffin nila mama at papa pati na rin ang abo ni Julia. Kaming Royalties lang except kay Bianca ang nakakaalam tungkol sa lugar na ito.

Tumayo ako at lumapit sa itim na kabaong ni mama. Sa totoo lang hindi siya namatay dahil sa sakit,namatay siya dahil may pumatay sakanya at sinaksak siya ng origins knife. Ganun din kay papa.

Lumapit ako sa kabaong ni mama "Ma,nasaktan ka na ba?"Tanong ko dito. Kahit hindi ko rin naman itanong alam kong nasaktan na rin siya. Minsan ko na rin siyang nakita na umiiyak. "Kasi ako,hindi pa nagsisimula ang laban sa aming dalawa ni Kuya James pakiramdam ko talo na ako. Nakakatuwa nga eh." Tumawa ako ng mahina kahit na deep inside nasasaktan ako.

Kahapon nung makita kong lumabas si Amanda galing sa kwarto ni Kuya James habang ngumingiti,pakiramdam ko nahuhulog na ang loob niya kay kuya--kay James. Malakas ang pakirandam ko kaya alam ko.Pero ako? Paano nga ba niya ako magugustuhan? Hindi ko kayang mawala si Amanda saakin..Siya yung nagpapasaya sa akin ng sobra eh.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon