Chapter 53- Confession

31K 518 54
                                    

(A/N: And again wala muna magtatanong ng kahit ano. Wag niyo po pansinin ang mga year or dates sa chapter na ito. Echos2x lang yan! HAHAHAHA. ENJOY READING!!!)

Amanda’s POV

 

Sinubukan kong habulin si Jade pero pinipigilan ako ni James.

 

“Bitiwan mo ako! Kailangan kong sundan si Jade!” Hindi pa rin tumitigil sa pag tulo ang luha ko. Hahabulin ko sana si Jade pero pinigilan nanaman ako ni James “Ano ba! Sabing bitiwan mo ako eh!” mas lalo niya pang hinigpitan ang pag hawak sa akin.

“Stop it Amanda!”

 

“Bitiwan mo ako!” halos pabulong kong sabi dahil sa mas lalong paglakas ng luha ko “B-bitiwan mo ako..” Halos nanghihina na ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

“Tama na..” niyakap ako ni James “Stop crying..”

 

Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Bakit kailangan umalis ni Jade? Bakit kailangan niyang lumayo? Magiging maayos pa naman ang lahat eh! Hindi niya kailangan umalis ng ganun ganun lang!

Mas lalong lumakas ang pagtulo ng luha ko..

“Tanggapin nalang natin ang lahat..” sabi ni James “n-na magkakapatid tayong apat..” Bumitaw siya sa pagka yakap sa akin at hinarap ako “magpahinga ka na.” sabi niya bago siya tuluyang umalis.

Nanatili akong nakatayo dito at pilit na tinatanggap ang mga nangyari. Napatingin ako sa likod ni James habang naglalakad siya palayo, ano kaya ang nararamdaman niya ngayon? Pareho kaya kami ng nararamdaman ngayon? Tanggap niya kaya ang lahat o hindi? Napayuko ako.. Si Jade, nabasa ko kung ano ang nasa isip niya kanina. Ang sabi niya babalik siya kapag okay na at tanggap na niya ang lahat. Ang tanong,matatagalan kaya ang pag balik niya?

 

 

Yumi’s POV

 

Nagmadali na akong kumilos para sa klase.. Napatingin ako kay Amanda.. Tulala siya habang naka dungaw sa bintana at napaka layo ng tingin niya. Ang lungkot lungkot ng mukha niya at parang ang laki ng problema niya dito sa mundo. Naikwento niya sa akin ang lahat ng nangyari kahapon. Magkakapatid pala sila nila James,Jade at Julia. Kahit ako hindi rin makapaniwala sa mga nalaman ko. Grabe! Kapatid niya ang dalawang lalaki na nagkakagusto sakanya. Yung isa mahal niya at yung isa naman mahal siya. Ang saklap.

Lumapit ako kay Amanda “Huy Amanda, hindi ka ba papasok?” tanong ko pero hindi siya umimik “may sasabihin nga pala ako sa’yo.” Huminga ako ng malalim “aalis na nga pala ako bukas,pupunta na ako sa States at doon na ako mag-aaral. Susunduin ako ni daddy.” Hinintay ko na sumagot siya pero hindi eh. -_- Hay nako! Hindi ito ang tamang oras para mag’drama. Mukhang wala naman kasi akong kausap eh! Tsk. “alam ko na lumilipad yang utak mo sa ibang planeta.. Gusto ko bukas ikaw ang maghahatid sa akin sa airport.” Hindi pa rin siya umiimik. Iwan ko na nga ‘tong babae na ito dito! Male’late lang ako kakahintay sa sagot niya.

The Vampire Royalties (Published under PSICOM Publishing Inc.) (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon